May hinahanap ka dahil may nawawala.
May nawawala kaya may hinahanap ka.
Nangyari na ba na naghahanap ka, pero di mo naman alam kung ano yung hinahanap mo? Mukhang timang, di ba? Sabi nila "knowing is half the battle".
Teka, ano muna yung battle? At pangalawang importanteng tanong, saan ang battlefield?
Ha? Yun ba? Baka naman pwedeng madaan sa maboteng usapan yan. Di ba sabi ng oldies, lahat daw ng bagay nadadaan sa maayos na usapan.
Eh ano ang pag-uusapan?
Imbes na "knowing", dapat yata mauna yung "acceptance". Pagtanggap na may kulang o may mali o may dapat malaman. Kung di mo ia-admit na me dapat mag-iba, bat tayo nandito? Wala namang palang problema.
Pero meron. Kaya ka nga di mapakali. Kasi may mga bagay na di nadadaya. Di pwedeng pagtakpan. Sabi ulit ng mga oldies, "walang baho na hindi mangangamoy".
Di mo naman gusto pagtakpan. Kaya ka nga nandito para liwanagin. Di mo alam kung bakit o ano, pero may nanlalaban.
Sigurado ka ba na kapag nanalo ka, kuntento ka na?
Siguro? Malabo yan tsong. Mag-esep esep ka pa.
Pero nakakapagod din mag-isip ng mag-isip, di ba? Minsan naman, hindi tugma ang utak sa nararamdaman.
Kung naiinip ka sa conclusion, wala dito yun. Nasa ibang kabanata.
Knowing is half the battle. Kaya alamin mo muna kung ano at saan yung battle. Pagkatapos nun, malalaman na natin kung may sapat na sandata. Dahil tanga lang ang sumusugod sa giyera na walang kalaban-laban.
1 comment:
cut na paste ... sikat na kyo mam :P
Post a Comment