Tuesday, June 19, 2007

...At Iba Pa

Panakip-Butas. Rebound.

Naranasan mo na ba?

Sabagay, meron bang aamin na naging panakip-butas sya at some point of his life? Ang hirap kaya i-admit non. Una, dahil mahal mo yung ka-relasyon mo. So di mo iisipin yun (bulag sa katotohaan?). Pangalawa, hindi ka papayag! Kasi di ba, tanga lang ang pumapayag maging ganon? So, settled na. Hindi ka panakip-butas. Period.

Mas wala naman yatang aamin na yung current jowa mo ngayon ay panakip-butas mo lang. Dahil "the ONE got away". Magmumukha kang USER. Panget sa reputasyon yun.

Panakip-butas. Habang wala pa yung the real thing, doon muna sa kunwa-kunwarian.

Pampalipas-oras.

Pampawala sa isip nung talagang gusto mong makasama ngayon.

Tapos pag ok ka na. O kaya may na-meet ka ng iba, kakalasan mo na sya.

Mapapraning sya. Ano'ng rason mo? Dali na. Imbento, imbento. Kahit ano. "It's not you". Cliche.

Mahirap kasi sabihin ang totoo.

At mas mahirap i-explain.

"I just fell out of love."

(when in fact, it wasn't even love to begin with...)

8 comments:

Anonymous said...

i read somewhere na tawag daw don --- "meantime girl/boy" ... ouch!! -- krznya

Anonymous said...

another symptom kapag "meantime girl/boy" ka --> Iniyak-iyakan mo yong tao kasi hindi pa raw siya ready for commitment. Then, voila, a few months after you split up -- hala magpapakasal na daw siya!! double ouch!!! -- krznya

do.0dz said...

In a negative point of view, well this maybe true. A vicious cycle just like fate to unreal yet revealing truth of the human nature. People uses people that's that. Weather it's work, love, serious or not. People cling to something or to someone to make themselves feel secure and happy even just for a moment. That is reality. Weather you want to be used or not is choice you can make.

Anonymous said...

ei, naging panakip butas na ako ah... and hindi naman ako tanga kasi pumayag ako, nor hindi din ako proud dahil naging panakip butas ako... it's a matter of learning from your experiences... and tama din si do.0dz, this is reality, may mga taong mahilig mag take advantage sa ibang tao... pero saludo ako sa comment na to... BRAVO!!!

"another symptom kapag "meantime girl/boy" ka --> Iniyak-iyakan mo yong tao kasi hindi pa raw siya ready for commitment. Then, voila, a few months after you split up -- hala magpapakasal na daw siya!! double ouch!!!"

blue_palito said...

Rebound:

actually, the question kung aamin ba is for those currently in a relationship.

mas madali ata makita yung whole picture when you're already out of it, or over it. Like in your case. Kaya na-admit mo nang naging panakip-butas ka.

I wonder if (and how many) people are aware that during the relationship, they are actually just (well as Krznya said) "meantime boy/girl".

Anonymous said...

**** lang ng **** para makarami...If it doesn't work, cry, curse, damn him/her to hell if needed..then move on. Maloloka ka lang kung iisipin mo kung naging panakip butas ka nga o hindi. Mahalaga yung happy moments and lessons learned. if tanga ka, ulitin mo yung same kind of relationship, ok lang yun.. kung san ka masaya..

Anonymous said...

haha .. napakalaganap pala ng ganitong pangyayari .. relate na relate ang marami! .. as for the aamin/hindi aamin, mebelieves that often enough, people don't realise that they are in or going into a "meantime" relationship .. naniniwala pa rin ako na marami ang sincere about making the relationship work. A lot of us still hopes that the person we are currently in relationship with is really "The One". If it doesn't work, well siguro dapat tawag don -- "should've been The One". Ergo, loss nong kumalas. Buong buhay na niyang "what-if" yon. As for you na naiwan, basta ba you gave it your best shot and your heart is bigger because of it. Remember, the heart is a muscle. The more you use it, the stronger it becomes. Ang suwerte naman ng susunod mong mamahalin. Surely, you will be someone's "The One" already. --- krznya

Anonymous said...

tagal na netong post na to ah =| new post naman! yung nakakagalak at hindi madrama =| magdudugo puso na iba dyan eh.

saka dun sa mga iniwan. wag masyado malungkot...ika nga pag di masarap ang bolabola na siopao, pwede ka naman sumubok ng ibang flavor =|

(tsaka minsan yung itlog na ma-alat sa bolabola ay bugok...yak...)