Tuesday, July 10, 2007

Sugal

Sa pagsusugal, ang pangunahing intensyon ay magkamit ng salapi o materyal na bagay.

Pangalawa na lang yung mabisa itong pampalipas-oras.

At pangatlo yung... wala lang. Daredevil kasi.

Pag may sugal, ibig sabihin may laro. Di ka pwede sumugal na sarili mo lang ang kalaro mo. Di ba, ikaw at ang slot machine. Ikaw at ang baraha. Ikaw at ang BINGO, etc.

Sa sugal, tatlo ang pwedeng ending: panalo, talo, at bawi lang ang puhunan.

Kadalasan sa sugal, fifty-fifty ang lagay mo. Parang yung isang paa mo nakatuntong sa lupa at ang isa nakabinbin sa ere (Hanap ka ng makakapitan, baka mahulog ka). Wala pa akong alam na sugal na sigurado ang kalalabasan. Pero me naririnig ako na salitang "win-win". Ang saya siguro non.

May sugal na bawal, may sugal na legal. Di ko alam kung ano ang criteria ng mga nagpapauso nito. Pare-pareho lang naman yun: nakaka-adik.

Ako, hindi nagsusugal. Playsafe kumbaga. Mahina ang loob ko.

Pero minsan, sa ayaw mo't sa gusto, wala kang choice. Kailangan mo mag-gamble. The higher the stakes, the greater the prize. Pasensya na. I can't advise if it's better to lay down your cards while on the game or to maintain a poker face.

Kung matagal-tagal ka nang out of the game, go ahead. Be a daredevil. Play once again but don't forget to play by the rules.

Malay mo, matulad ka sakin. Kasi ako...
Jackpot ako nung nakilala kita. At bonus na lang na naging akin ka.

2 comments:

Anonymous said...

bakit andrama ng mga post ngayon?? lahat ba kayo ay may pms?? or nanood nanman kayo ng latest na movie ni piolo(na bading naman)??

san ka nakajakpot?? sa slot machine?? baka sinungkit mo lang yung makina kaya ka nanalo. kaya mo naman sungkitin yun sa nipis ng daliri mo eh. skeleton key ika nga =|

Anonymous said...

ako ata ung mas jackpot...magkaroon ka ba ng misis na sobra sa pagiging supportive ups and down...

super jackpot!

-entowts