If my memory is still half-functioning, I was once indirectly called "RUDE". Tagalugin na natin: Bastos daw.
This is for a friend who once asked me what 'BASTOS' really means. Tapos "Please use BASTOS in a sentence" daw para mas malinaw.
Yun daw ba yung pag may pinag-uusapan kayong tao na hindi nyo kaharap. Sabi ko "Backstabbing" ang tawag don. Tsaka oo nga pala, ang bastos...nakahubad.
Sa totoong buhay, eto ang ibig sabihin ng Bastos:
bastos
bast´os adj. uncouth, rude, impolite, impertinent
Para sa ikasasaya ng ilan, may related adjectives na pwedeng ikabit dito (galing sa iba't ibang dictionary):
1. rude
impolite, walang galang, discourteous
2. indecent
indecent, vulgar, masagwa, mahalay,malaswa, magaslaw
3. shameless
without shame: walang hiya, tabla (makapal) ang mukha, not modest
4. bold
brave, matapang, malakas ang loob, venturesome, pangahas
Sa Pinas, BASTOS is often checked against someone's AGE or STATUS. Bastos pag hindi nagmano. Bastos pag hindi nag-OPO. Bastos pag hindi nag MAM or Ser. Bastos pag di nagpaalam. Bastos pag di niyuko ang ulo habang dumadaan sa gitna ng nag-uusap. Bastos pag di nagreply sa text or email. Ano pa ba? Bastos pag hindi namansin (ehem).
Andaming dahilan bat tayo tinatawag na bastos.... ayoko na maging bastos at sawa na ako sa mga bastos! Lahat tayo pinanganak na hubad kaya lahat tayo bastos. Bastos Bastos Bastos!!!
Paalala sa mga nabastos: Love begets love. Isama na natin yung cliche: "You cannot demand respect and truth... each must be earned."
(Simplified explanation: A farmer cannot expect cabbage if he planted carrots). Nuff said.
ps: frend, eto na yung artik na hindi ko pinost dati...
No comments:
Post a Comment