I confessed being a two-timer. Not only once, but twice.
Ngayon, pinipilit nila ako na kalimutan ka. Masama ka daw kasi. Walang mabuting idudulot sakin. Bakit ka naman kasi ganyan? Di ka pa makuntento. Andami mo na ngang "fans", pati ba naman "fans" ng iba, aagawin mo pa? At napili mo pa talaga ako ha? Erase. Erase. Walang pilian na nangyari. Basta naging ganon na lang. Isang araw, naisip ko kung gaano ka na ka-importante sakin. Dahan-dahan lang nangyari. Di mo 'ko pinilit. Pero sabi pa rin nila masama ka. Tigilan na daw kita. May nakikita nga ako na "kahawig" mo. Kapatid mo siguro yun. Pero ayaw ko sa kanya. Walang s'yang dating sakin.
Kilala na kita. Twing kailangan kita, andyan ka. At alam mo ba t'wing hindi ako sigurado sa mga desisyon ko, naiisip kita. Di pwedeng hindi kita katabi o kasama. Kahit nagkamali na ako, ok lang basta andyan ka.
Kahit nag-aagawan kami sayo, ayos lang. Di naman ako madamot. At napatunayan ko naman...na bagay ka sa lahat.
Sa cake.
Sa spaghetti.
Sa adobo.
Sa ice cream at bbq.
Sa Jack Daniels.
Sa yelo.
Sa tasa.
Isang litro... sakto... 1.5... "in can" man o solo. Ikaw ang pinaka-mahal ko: Coke ko 'to!

3 comments:
putres...kala ko emote na emote sa post...tapos bastat kasama kita yung tugtog sa bakground...tapos nakikipagtwo time ka lang sa...coke... =| pwet naman
glug glug glug ahhhh
sounds good, tastes even better
para sa mga adik ang post na 'to
COKE: my stress reliever, pero pain inducer sa tyan ko.
sobrang love ko ang coke na noon, ang greatest wish ko e maging patent holder ng coke.
nag-abstain ako nung buntis ako e, pero pagkapanganak (as in yung first meal ko after labor!), laklak agad! adik na naman
Post a Comment