Maaga ako sa LTO kanina. 8:30am. Rerenew ko kasi lisensya ko. Friday the 13th pero I'm feeling great. Feeling great my foot! Pagdating sa LTO Pque, OFFLINE NATIONWIDE. Anong offline? Anong nationwide? Parang pa-raffle ng Eat Bulaga ba yan?!
Pa-medical na lang muna ako. Di naman siguro kelangan online dun ano? 400 daw. 300 Drug Test, 100 Medical Test. Anong kalokohan ba yan. Pano naman yung walang 400 pesoses? Buti nangutang ako sa nanay ko ng 500 kasi duda ako na kapos ang 450 sa bulsa ko.
Balik sa Window 1. Syet. Offline pa rin. Mainit na. Mainit na rin ulo ng mga tao. Dumadami na ang makukulit.
"Magkano pa-renew?"
"Magkano Student Permit?"
Mga bwisit kayo. Naka-display na nga sa window. Dalawa pa. Para siguro sa left eye tsaka sa right eye. Kung isa na lang mata mo, wala ka pa ring lusot. Bulag lang ang me karapatang magtanong.
"Magkano Penalty?"
Di na ako nakatiis.
"AYAN NAKA-POST NA SA SALAMIN O! Magbasa kasi...." Tinginan lahat sakin. O baket? Sino ba hindi nagbabasa? Para kayong mga bubuyog dyan, paulit ulit ng tanong e nasa harap nyo na yung sagot sa tanong nyo... Nagsi-alisan. Buti walang nag-angas kundi patay ako. Baka me nangfa-flat na pala ng gulong ng sasakyan ko....
Sa awa ng Diyos, hindi naman.
Me tanong na naman...
"Mag-eexpire na lisensya ko sa sabado. Kung di ako makarenew ngayon (dahil offline), magbabayad ba ako ng penalty sa lunes?"
"Opo. Expire na kasi lisensya nyo sa lunes."
"E bat ganon? Di ko naman kasalanan na Offline kayo ngayon."
"E kasi po me 2 months kayo para irenew yan. Di nyo agad nirenew."
Nagpasalamat at umalis na yung nagtanong. Sumabat ako.
"Eh kaya nga ON or BEFORE birthday e." Dapat sinabi nyo before birthday na lang para walang magpaparenew ng saktong birthday. Naisip ko lang yon. Ang naidugtong ko "Eh kung gusto nyo pala ng extra income, sasabihin nyo lang lagi OFFLINE. Para lahat ng mageexpire ngayon, magbabayad ng penalty kinabukasan?"
Tinginan lahat. Hehehe. Umalis yung mga nasa Window 1. Nagmeryenda na lang ata. Sanay na siguro sila.
Opps ONLINE na. Paunahan na sa Window 1. Aba aba aba.
"Me PILA o!!!! Tsaka yung mga walang TIN# , pa-xerox muna kayo."
Harhar. Andami umalis sa pila. Di pala nila alam na kelangan magpakita ng ID na me TIN.
Punta na daw ako Window 8. WALANG TAO. Isa yata sa nagmeryenda. Naghihintay na naman mga tao. LINTEK talaga. Dumating din, me dalang coke at Banana Q.
Bayad na (anong window nga ba yun). Aba, 517.60 daw. Bigay ako 520. Sinuklian ako dalawang piso. Ayos sa style a. Parang understood na. Wala syang 40 cents kaya TY na yon. Makaipon ka ng 40 cents sa bawat nagpaparenew, aba me pamasahe ka na for the day.
Undertime ko nauwi sa Half day. Total processing time, less than 1 hr. Pero dahil nga sa offline at paglakwatsa ng mga empleyado, natapos ako 11am.
PUCHA.
Nabwiset ako pero nakapam-bwiset din naman ako hahaha. Pwede na.

1 comment:
haha! astig ikaw lang pla kailangan para umayos mga tao dun :D
hmm, eh pag may fixer ba, wala nang offline offline? :>
Post a Comment