Saturday, August 26, 2023

Brain Damage

 Alam mo ba
Na mahal pa rin kita
Pero di tulad nung bago mo
Basagin ng walang kalaban-laban
Nag-iingat na ako
Mahulog sa mga salita mo
Na di na din naman
Mahalaga dahil hanggang dun na lang.
Salita
Hangin
Walang totoo.
Walang seryoso.
"Tama na", sabi ko sa sarili ko,
"Mukha ka ng tanga.
Umiiyak pero bukas
Uulit muli at aasa.
Walang nga syang pagmamahal 
Tama na, wag na sya
Ginusto mo lang naman sya, di ba?
Pakawalan mo na."

9/26/2023 2300 hrs

No comments: