Thursday, November 2, 2023

Mirage

Kung hindi ko maalala

di ba ang ibig sabihin ay

malamang hindi naganap?

Pinipilit ko kasi tandaan

kung may sinabi ka ba

ba't ako nagdamdam

may pinangako ka ba

ba't ako umasam?


Wala naman, wala yata

sabi ng utak kong

awang-awa na

sa puso kong ayaw tumigil

sa pagpulot ng mga pirasong

patuloy na nababasag

kahahanap ng palatandaan

na ako na lang ang nakaalala.


1723 hrs

11/2/2023

No comments: