Monday, December 18, 2023

Hard Peelings

Sa kakapiranggot mong

Binitawang mga salita

Unti-unti kong natututunan

Na usapang-laseng lang pala

At walang katotohanan

O dapat na asahan.

Nasambit lang dahil

Dala ng ginaw at ilaw

Ngunit walang laman,

Pinaghalong antok at pagod

Hanggang di na makasagot

At nang tapos na't nakaraos

Pati pagtangi'y naubos.

Ang kaibahan lang natin noon ay

Mas puyat ako't pagal

At yun na nga, sa tinagal-tagal

Ako lang ang totoong nagmahal.


12.18.2023

18:08 hrs

No comments: