Saturday, November 25, 2023

Parang Lang

Paulit-ulit ko pinaparamdam
Ang pag-ibig na nararapat
Sa katulad mong ilang ulit na
Sinaktan, sinayang
Habang paulit-ulit mo na din pala
Akong nababalewala

At iniisip ko kung darating pa
Tayo sa panahong tayo
Dahil sa ngayon
Meron lang 'ikaw' at 'ako'
Paulit-ulit kang lumalayo
Sa bawat hakbang kong palapit sa'yo.

11/25/2023
1853 hrs

No comments: