Friday, March 15, 2024

When In Doubt

At kahit naman sabihin na
Guni-guni ko lang yun
O imbento
Dahil ang totoo
Mahal mo rin ako

Di pa rin kapani-paniwala

Matay ko mang isipin
Hindi ganun ang pagmamahal
Yung kaya mong mawala
Yung taong andyan lagi sa'yo
Aba, hindi pagmamahal yan

Kundi pangangailangan

Na pag tapos na
O di kaya napagsawaan na
Ayawan na
Inabot lang ng matagal
Pero ang totoo
Walang panghihinayang
Walang permanente, sabi mo

Parang ako, parang 'tayo'.

3.15.2024
1737 hrs

No comments: