Thursday, May 2, 2024

On Queue

Sabi ko di na ako iiyak
Wala na akong pakialam
Kung magbago ang isip mo,
Kung panindigan mo na
At tuluyang lumayo.

Hindi na ako magmamakaawa
Na manatili ka para hagkan ako
Nalalasahan ko rin naman
Ang pagmamadalli mong
Kumalas at wakasan.

Hindi na kita pagsasabihan
Na bumalik ka kahit anong oras
Kung sakali magbago ka ng isip
Ako pa mismo ang tatakbo
Palapit, pabalik sayo

Dahil palagi lang akong para sayo.

5.2.2024
19:17 hrs
 

No comments: