Tuesday, December 23, 2025

Sa Mahogany

Kung bakit

Kasama pa kita

Ngunit nagpapaalam na

Ang aking puso sa mga

Alaalang kasalukuyang nagaganap

O pinaplanong mangyari pa lang


Kasama pa ngunit

Nagsasabi na ng paalam

Nagpipigil ng luha't umaasam

Na sana hindi na

Matapos ang umpisa pa lang

Alam kong alam mo nang

Di magtatagal dahil

Sabi mo nga napadaan lang...


12.23.2025

0129hrs


No comments: