Friday, July 21, 2006

10 Things To Do After Matinding Breakup

Malapit na kayong mag-9th monthsary ng boypren mong pogito ng bigla na lang... hindi na sya nagpaparamdam. Mega-worry ka, baka nashoot sa imburnal. Baka kinidnap. Baka napagtripan ng mga adik sa kanto.

After 100 texts at 101 missed calls, nag-hello sa kabilang linya "HELLO!!? Babe? mahina signal dito, nasa bundok ako. Babe I think we need some time apart. Di na kita mahal, magpapari na lang ako."

Ang walanghiya!!! Magpapari sa bundok! Nanlalaki ang butas ng ilong mo, ganito pala ang feeling ng mabasted ested ma-dump. "Humanda sya!" sa loob-loob mo. Pero sa totoo lang, di mo alam ang gagawin mo. First time ito!

10. Let it flow.
~ Umiyak ng umiyak. Ngumawa ka na buong araw/gabi. Ngayon ka me karapatang maging drama queen dahil sawi ka sa pag-ibig. Si Bea Alonzo nga umiiyak kahit kuko lang ang masakit e, ikaw pa kaya?

09. Girlfriends Volt In!
~ Sa mga ganitong pagkakataon, sino pa ba ang masarap ngawaan kundi ang closest friends. O kaya ang sister o mudra mo na handa kang damayan sa ganitong pagkakataon. Kaya sige na, wag na mahiya. What are friends for? Mag-emergency meeting na, dali!

08. Nevermind the 1 Million Dollar Question.
~Tama na ang mga tanong na walang sagot. Di ka naman si Manang Bola at wala kang Perlas na Bilog. Kung ayaw nya magpaliwanag, eh di wag! Ikaw na nga ang iniwan, ikaw pa ang sasagot ng mahiwagang tanong?

07. Bitter-bitteran.
~ O sige na, hindi sya masaya sayo. Di ka kasi ganto. Kulang ka sa ganto. Oweno ngayon? Di din naman sya perfect. Ang lakas nga nya umutot di ba? Tapos medyo baduy pumorma. Nakafit na jeans at rubbershoes?! Eww.

06. No money, no honey.
~ Wala na si honey pero it doesn't mean you have to go broke. Ayaw mo na magkulong sa kwarto kasi it's still a mess (mula sa pagbabasag mo ng picture frames at pagpupunit mo ng mga loveletters at pictures nyo). Window-shopping? Delikado yan. Unless iiwanan mo credit card mo sa haybol and 100 pesos lang ang dadalhin mo sa Kamiseta Sale.

05. Clean the Clutter.
~ Itago/Itapon ang mga bagay na magpapaalala sa kanya. Cell number? Delete. Emails? Archive. Stuffed Toys? idonate sa "Ma-AGA ang Pasko sa Jollibee". Dried Petals ng first flowers na binigay nya? Yaaak! Pictures? Trash bin. 24K Necklace, uy mahal yan. Wag mo na ibalik. Tutal binigay na sayo eh hehe.

04. Sige na, Indulge.
~ Pagod ka na kakaligpit ng mga kinalat mo. At wala ka ng mailuha. Parang ang sarap ng coffee crumble na ice cream. Tapos me Honey cake sa ref. Wow! bakit ka nagpipigil? Ang sarap-sarap e. Watya waiting for? (mamaya magsit-ups ha, 30 reps. Tapos medyo losyang ka sa suot mong jammies at loose shirt, palitan yan ng sexy top with low-waist jeans mamaya sa gimik ok? It's time to shine again!)

03. Don't forget me.
~ Did you know that the best poems are written when you're brokenhearted? OO, kala mo lang hindi ka writer. Isulat mo lang ng isulat lahat ng naiisip mo at this time. Malay natin, manalo yan ng Palanca Award. Kung hindi naman, magagamit mo yung mga sinulat mo para pagtawanan natin later on.

02. It's not you, it's ME.
~ Andami na nangyari eversince he called ano? Kamusta na kaya ang hunghang? Buti na lang di ka suicidal. At swerte nya hindi ka clingy, stalker-type ex-girlfriend. You recovered gracefully. Mental check, A-Ok. Kayang-kaya di ba? Welcome back girlfriend, you're a survivor!

01. "Hello, gorgeous!"
~ Hi yourself. Practice this line: "Girls with butts like mine, do not talk to boys with faces like yours" hehehe. Joke lang. You're back in the game. This time, you're a little bit wiser ;-)

ps: May male version na! Click this.

4 comments:

Anonymous said...

Really good one, Sarah. At the risk of being a smug married, i must say that I am thankful am through with this kind of emotional jams. :D Pero nakaka-miss na rin ang walang kapagurang roller-coaster ride ng break-in and break-ups. Ang swerte naman ng girlfriends mo -- am sure you make a great 911-break up hotline.

Anonymous said...

hehehe..parang medyo nasunod ko ito dati ah.. hehehe.. exception kay number 6, baligtad ginawa ko.. shopping galore... bwehehehe...

comment sa number 5: ..Cell number? Delete. kahit na i-delete, memorize naman... nyahahaha..

blue_palito said...

Techi, bote na lang mahina memory ko.

Anonymous said...

hahaha.. good for you.. not so good for me... =))