Wednesday, May 23, 2007

Bakit ba ang hilig ng mga tao sumiksik sa kumplikado?

Parang ganito yan eh.

Ano mas prefer mo, jeep o taxi? Syempre taxi.
Eroplano o barko? Eroplano.
Tawag o pupuntahan? Itawag mo na lang!

Mas mabilis. Mas kumportable. Mas gusto natin.

Pero meron namang mga "instant" na hindi patok satin. Yung iba, ayaw ng mga usong "mix" katulad ng Sinigang o Kare-Kare. Hindi daw masarap. Mas ok pa rin ang natural. May 3-in-1 coffee pero mas mabenta pa rin ang Starbucks. Mas mahal na, mas matagal pa itimpla.

Kung ano ang criteria ng mga sucessful na "shortcut" or "instant" or "mix", hindi ko alam. Basta merong pumapatok sa tao, meron namang naiiwan at inaalikabok sa estante.

So tama bang sabihin na madalas ayaw natin mahirapan? Sagot!!! Tama o mali?

Pero bakit ganon?

Ayaw natin mahirapan pero innate ba sa atin ang maghanap ng kumplikasyon? Complication equals suffering.

Eksampol ng mga hinahanap nating kumplikasyon: Ang straight na buhok, pinapakulot. Ang kulot, pinapabanat. Pag nasa Pinas, gusto mag-abroad. Pag nakalayas na, gusto naman umuwi. Bakit pag bata, gusto tumanda? Ang matatanda, nagpapabata? Ang babae, nagpapakalalake (pero nag-aabang ng chivalry). Ang lalake, gusto ng equal privileges (pero ayaw maligawan).

Eto pa classic: Ayaw nga sayo pero gustong-gusto mo. Sinabi na ngang "wala", hinahanapan mo pa ng "meron".

Yawa.

6 comments:

ianclarito said...

pag mas komplikado kasi, mas malaki din madalas ang babalik sayo. yun nga lang, mas malaki rin ang tsansa na wala kang mapapala.

parang pagpili kung bibili ng bisikleta o kotse. hehe. siyempre mas gugustuhin mo magka-kotse.

Anonymous said...

1.) kumplikasyon on wanting you dont have...diba nature na ng tao yung walang kakuntentuhan... =D

2.) pag mas komplikado, feeling may sense of achievement kasi pag nakuha yun unlike yung instant na nandyan na agad ng walang pagod... =D

3.) as for preference ng instant thingy, depende kung may time and financial constraints... as well as aiming for quality din...

ex. TIME CONSTRAINTS:
given ka ng 30mins na coffee break, ano mas pipiliin mo, instant coffee na 3in1 mix, which after 5mins pwede ka na makita ng boss mo at bigyan ka ng additional work or punta ka starbucks para bumili ng coffee at least pag balik mo ng ofc, tapos na ang 30mins coffee break...

as for FINANCIAL CONSTRAINTS: eto yung tinatawag na luxury, youn can't afford something expensive so bakit ka bibili nun? so no choice ka but to settle with the mura -- which normally is the instant ones...

and for QUALITY: syempre, we all know na iba ang quality ng instant sa hindi... normally compromised ang quality ng instant sa nde...

yun lang.. =D

Anonymous said...

basta ako mas complicated mas challenging. :D

aps

Anonymous said...

ako gusto ko lang ng siopao...gaano kakomplikado yun??

Anonymous said...

Methinks WANTING is a very simple thing. You know what you want, you go for it. All the rest are just details. -- krznya

Reeva said...

Hi thanks for shharing this