Thursday, November 16, 2023

Sugar-coated

Dahil di na para umasa 

Na pipigilan mo pa ako

Kung magpahaging man

O biglaang mawala't

Bumitiw sa'yo.


Dahil nilagay mo ako

sa lugar na di na din masaya

Manatili, mag-abang,

Tumaya't pakawalan

Na parang wala lang?


Walang halaga,

Hindi kawalan

Sabi mo, "Sige na"

O sya, sige na

Salamat sa paalam.


11/16/2023 1232 hrs

No comments: