hehe. low class software 'to pero try nyo na rin tas paki-inform ako kung sino ka-look alike nyo.
"Grown-ups never understand anything for themselves, and it is tiresome for children to be always and forever explaining things to them." -- Antoine de Saint-Exupery (The Little Prince)
Tuesday, September 26, 2006
Thursday, September 21, 2006
Relax. Enjoy a Mubi.

John Tucker Must Die. Kamukha daw ni Robert Ortega yung bida. Wahehe. Si Olive nagsabi nyan ha.
The Devil Wears Prada. Sabi ng utol kong lalake after the movie, "Anong natutunan natin sa movie na yan?". Pwede bang isagot "Pag cool off kayo ng SO mo, pwede ka makipag-(tut tut) sa iba". Yung kasama ko naman, inantok. So beware girls, guys may not appreciate this movie.
Step Up. Panalo. What can I say? Hot body, hot guy, hot music. San ka pa? =D Channing Tatum, mas magaling ka na sumayaw kay Justin T.
ps: 100 pesoses lang pala ang movie sa Greenbelt1? One ayala-maintained theater pero mas mura pa sa SM Cinemas. Cool.
Wednesday, September 20, 2006
An encounter with the boss
after contemplating for several days kung pano magpapaalam sa boss:
me : Sir, papayagan nyo po ba ako....?
boss : saan?
me : kung aabsent po ako ng 1 day?
boss : ok lang, matatapos mo naman yung ginagawa mo di ba?
me : err...
boss : ikaw na bahala mag-adjust sa sched mo para umabot ka sa deadline.
me : ok thanks po! *ngisi*
(Bat ko ba nakwento to sa blog ko eh malamang mababasa nya to, baka bigla pang bawiin yung VL ko). Gusto ko lang sana i-share sa inyo na eto na siguro ang most straightforward, intelligent response na narinig ko from a boss. Kung sana lang ganito mag-isip ang lahat ng pinuno...
hoy, pakibatukan naman ako...nangangarap na naman ako.

Monday, September 18, 2006
Hataw na Pinoy
Eto na, lumalabas na naman ang pagka-world class ng mga Pinoy.
Philippine Idol . I was just so happy that yesterday, finally they have chosen the 12 finalist and at least, the Pinoy Voters were proven to have taste. Pasok si GIAN at MAU, my bet during the semifinals. Kakainis lang na napasali pa sila sa wildcard when it's obvious that they deserve to be in the finals.
Tama si MAU (trulili to the max though offensive yung nasabi nya), this contest looks more like a beauty pageant than a singing contest. E pano naman kasi...Hello?! Yung ibang pumasok ewan ko...mayaman siguro or what.
be proud PINOY, ang galing galing talaga!
ps: congrats pala ke idol EFREN, wow master ng 8-ball. Idol ka talaga BATA, ang laki ng prize mo, 25M pesoses (malas lang kasi 30% nun mapupunta sa TAX, which alam naman natin kung san san lang mapupunta hehe)
ps2: paki-stop na lang yung background music to listen to MAU's rendition of Till My Heartaches End...

Tuesday, August 22, 2006
How To Enjoy Riding in an FX / Shuttle
1. umupo sa gitna at solohin ang aircon.
2. umupo sa dulo at paisa-isang iabot ang bayad.
3. kumain ng maamoy na pagkain sa loob lalo na kung mahina ang aircon.
4. kumain sa loob at iwanan ang pinagkainan sa loob ng sasakyan.
5. magpabango ng marami at siguraduhing nakakatutok sayo ang aircon. Mainam na gawin ito kung nasa gitnang row ka nakaupo para mai-sprayan din ang mga nasa likod.
6. makipagusap sa cell. lakasan ang boses para marinig ng mga nasa dulo.
7. matulog ng mahimbing. gamiting sandalan ang balikat ng mga katabi.
8. pumara ng mahina. hayaang mainis ang mga katabi at sila ang sumigaw para sa'yo.
9. kapag umuulan, ipagpag ang basang payong sa katabi.
10. maggupit ng kuko. bagalan. tiyakin na tumatalsik sa katabi ang mga nagupit na kuko.
pahabol na gawain ayon kay Jam:
11. umutot ng malakas.
12. umutot ng may amoy.

Tuesday, August 15, 2006
Tuwing Umuulan...
Eto ang mga naisip ko kanina habang naglalakad sa Ayala sa gitna ng kalakasan ng ulan:
1. May bagyo na naman. Every other day na lang ata me bagyo. Gan'to ba last year? Bakit parang mas maraming bagyo ngayon?
2. Bat ang titigas ng ulo ng mga tao? Alam na ngang tag-ulan, di pa rin nagdadala ng payong. Kung bibilangin ko yung mga taong naglalakad ng basa dahil nakalimutan magdala ng payong, me pambili na ako ng sapatos araw-araw.
3. Me libreng vaccine sa mga senior citizen. Anti-trangkaso. Andaya naman. Di naman namimili ng edad ang trangkaso a.
4. Ang baba ng mga pamasahe sa PAL, Cebu Pacific, at Air Phils. Nakakaengganyo magbakasyon. Ok lang kahit tag-ulan. At least solo mo yung beach *winks*
5. Proud ako pag ginagamit ko yung peach-orange kong payong. Kasi medyo kakaiba yung kulay. Kahit tag-ulan, fashionable pa rin (hehe inggit si Jay Tangkad)
6. May Oil Spill na naman. Sa Guimaras naman ngayon. Tinatantyang 2 million liters ang krudo na lumalason sa dagat natin ngayon. Largest spill daw so far. Linsyak naman 'tong mga 'to. Last December lang, me oil spill din dahil sa Napocor. 1 million liters naman. Leche! Yung mga me kasalanan nyan dapat parusahan... mala-Fear Factor. Papalanguyin sa natapunan ng krudo hanggang makarating sa shore. Walang lifevest. Walang salbabida. Wala lahat. O kaya ipahigop sa kanila yung mga krudo. Mano-mano. Gamit lang straw.
7. Sabi ni Morales sya na raw ang mananalo sa laban nila ni Pacquiao sa November. Tiba-tiba na naman ang mga magpupustahan nito.
8. Tiba-tiba din ang ABS-CBN kasi sila ang official station ng laban. Buti na rin para naman tumaas-taas ang rating nila. Deal or No Deal lang ata ang lumalamang sa rating nila against GMA-7 eh. Opps. Baka me magreact na Kapamilya. Ano na nga pala nangyari sa Wowowee? Bat binalik sa ere, kala ko ba kinasuhan sila dahil sa Ultra Stampede? (Outdated na talaga ako)
9. Sabagay di din ako natutuwa sa Captain Barbel at Majika ngayon. Gone are the days of Engkantadia and Mulawin. Si Angel Locsin naging common face na lang. Teka nga, di ko pa rin gets bat si Katrina Halili ang #1 sa FHM. Tinalo nya 99 contenders?
10. Magdodonate si JOHN GOKONGWEI JR. ng 10.25 billion pesoses sa education sector ng Pinas. Nagdonate na sya ng 50M sa skul nya dati sa Cebu di ba? Nagdonate din sya sa La Salle (nakalimutan ko kung magkano pero sana sa ibang skul na lang sya nagdonate kasi mayaman naman ang La Salle hehe). Sana mainggit si Henry Sy at magdonate na rin. Hehe.
11. All in all, I still prefer rainy season kesa sa summer. Makakagulong-gulong ka ba sa kama kung mainit? Makakatulog ka ba ng mahaba at mahimbing kung tagaktak ka sa pawis? No way. Tapos background song mo pa yung "Twing Umuulan" E-heads version ha. Da best di ba?
Wednesday, August 2, 2006
Black Eyed Dolls

(Monkey Business Tour, Araneta Coliseum July 27)
Guys and Gals, by now you may have heard that I won in the "Xmas in July Contest" sponsored by WAVE 89.1. Ang saya-saya! Here are the prizes:
~ 2 Front row seats to BEP Concert (5,000 x 2)
~ GC ng ewan ko kung ano :))
~ One year pass to all the Movie Premier Wave's going to sponsor
~ 10 Enchanted Kingdom passes
~ 1 No Curfew Watch
So nanood kami ng BEP concert, ang bongga! Mga celebrities lang naman ang katabi namin. Sino lang ba naman si Anne Curtis, Pauleen Luna, Katya Santos, Keana Reeves, Ciara Sotto, Dra Vicky Belo, Vhong Navarro, Phoem Baranda, etc? Di ko sila kilala. Hehehe. Sa mga nagtatanong kung bat di ako nagpapicture kasama sila, esmyuskee lang. That night, I was one of them! (taruz!)
Ang saya ng concert. Parang me 4 na nilalang na high sa droga sa stage. As in maeentertain ka talaga. Fergie, ang sexy mo! APL cool na cool. Buti pa ikaw, proud ka na Pinoy ka. Taboo, galing mag-rap. Will i am, the best yung pagdrums mo habang kinakanta mo yung BEEP :D

(Pussycat Dolls Live in Manila!, Araneta Coliseum July 28)
Ok dumako na tayo sa PCD. Late na kami kaya nagstart na yung mga front act. Pansin ko lang, mas madami silang audience kesa sa BEP. Nakakaasar lang kasi di sila live band. Parang minus-one lang ata ginamit nila. And umabot ba sa 10 songs yung kinanta nila? Sobrang bitin! The crowd was waiting for an encore for about 20 mins pero di na sila bumalik. Huhu. Ang mahal namang ticket yan kung sampu lang kinanta nila. On the brighter side, ang galing nila sumayaw. Tsaka they're really showing off their flesh hehe. Nicole, bat ka umiyak after Stikwitu? Dahil natouch ka na madaming noypi ang sumusuporta sa inyo o dahil ginagawa mo daw ito everytime kinakanta yung Stickwitu? Hmmm pakisagot na lang.
ps: mejo walang kwenta 'tong artik na to. masyado kasing personal experience. nagkukwento lang po ako. not that anybody's interested anyway :)
Subscribe to:
Posts (Atom)