"Grown-ups never understand anything for themselves, and it is tiresome for children to be always and forever explaining things to them." -- Antoine de Saint-Exupery (The Little Prince)
Showing posts with label Confessions. Show all posts

Monday, August 21, 2023
Thursday, August 17, 2023
Sa Iyong Paghinto
Kunwari-kunwariang ngiti
Kahit parang ang sakit
Ang sakit-sakit na,
Paulit ulit hinahanap
Ang pagmamahal mong
Di sapat upang sambitin
At mas lalong di sumapat
Upang ika'y manatili.
Bakit parang ang sakit
Ang sakit-sakit na,
Kahit sinabi naman nating
Dun lang tayo kung saan tama.
Teka, parang ang sakit
Ang sakit-sakit na
Ako lang yung nahihirapan
Di ba pwedeng pantay lang?
Saturday, August 12, 2023
Blanko
Paulit-ulit kong tinatanong
Ang basag na puso ko
Kung babalik ba kami
Sa relasyong "Hindi-tayo
Pero-pansamantala
Pwede-na-din-siguro."
Hahabulin ko ba yung
Pagtrato mong sapat lang,
Meron man o wala
Sabi mo ayos lang.
Di pa din naman magbabago
Ang pag-ikot ng mundo
Kahit ikaw yung mundo ko,
At ako sayo ay "sapat lang".
Kaya siguro hindi na,
Hahayaan na lang kita
Kung maramdaman mo mang
Isa akong kawalan
Tsaka na, tsaka na lang.
Hindi muna, paalam.
8/12 0928hrs
Saturday, August 5, 2023
Di Pa Ba
Araw-araw kitang liligawan,
Susuyuin at pakikiusapan
Na magtiwalang hindi kita
Sasaktan ng sadyaan.
Hindi bubulagain ng mga
Salitang walang laman
O paasahin sa kunwa-kunwariang
Pagmamahal na di naman.
Pangako, sasabihin ko palagi
Kung di ako maayos kausap
At may toyo ngayong araw,
Kung palagi mang parang
Naghahamon ng away
Manipestasyon lang ito
Ng matinding pagtangi
Na nang lumabas sa bibig ay
Nakamaskara na't
Aakalain mong pagtanggi.
Samahan mo ako, dumito ka muna
Palipasin ang mga araw
Na pare-pareho lang naman
Pero 'pag kasama kita
Nakakatuwang na-iiba.
Akin ka na lang, pwede ba?
Pati pagmamahal mo, arbor na
Ako na lang, ako naman.
Tayo na lang, tayo na naman.
Thursday, July 27, 2023
76
Almost sad for the heartbreak coming
One of us is leaving
And we promised to abide by it
It's as certain as death
So we remain calm and smiling
Acting prepared,
Nonchalant.
But it's sad
That my broken heart
Keeps bleeding
And breaking and there are
No band aids
No stitches
We just keep moving
Forward
Till one of us is saying
Goodbye
Thank you
How then do I
learn to unlove?
Thursday, July 20, 2023
Overdose
I realized late
That I had no chance
Over your past
Over your present
Not on your future either
So I admit defeat
Over the plans
Over the would-bes
What I keep, I will forget
Not your hand, not your name.
Monday, July 17, 2023
Net
Di muna 'ko lilingon
Kapag tinatawag mo
Dahil di ko din naman
Masalo
Ang puso kong
Patuloy sa paghulog
At pag-asam sayo.
Saturday, July 15, 2023
Alam Ko Na
7/15 0106 hrs
Pampalipas-oras lang ako
Habang ako, siguradong-sigurado
Sayo umiikot ang mundo.
Wag mo naman sabihing
Matigas ang puso ko
Kung ayaw kitang makita
At bigyan pa ng panahong
Baguhin ang pasya ko't
Papaniwalain
Na nasa isip ko lang ito
(Kasi alam natin ang totoo)
Mahal mo nga ako
Pero di sapat para makalimot
Sa sugat na iniwan sayo
Na pilit mong tinatago
At pilit kong kinakahon
Pero nagsusumigaw naman
Twing hinahanap ko sa'yo
Ang sagot pag sinasabi kong
Mahal na mahal kita,
Ako ba minahal mo?
(At 'di ba wala ka ngang maidugtong?)
Thursday, July 13, 2023
Sana Na Lang
Sabi mo
Sanayan lang
Umoo na lang ako
Kasi sabi-sabi nga
Masasanay din ako
Na mapag-aaralan
Makagisnang
Di naghahanap
Saan merong kulang
Basta meron
Hangga't tayo
Di ba nga mas ok
Kesa noong wala pa tayo?
Sanayan lang
Umoo na lang ako
Kasi sabi-sabi nga
Masasanay din ako
Na mapag-aaralan
Makagisnang
Di naghahanap
Saan merong kulang
Basta meron
Hangga't tayo
Di ba nga mas ok
Kesa noong wala pa tayo?
Maghahanap ba ng iba
Kung wala namang
Nawala
O naiwan
Galing sa simula
Na pinilit lang ipaglaban
Ng kusa
Ng puso
Na hindi ko alam
Ba't nahulog
Ba't patuloy at di-sadya
Nalulubog, nahuhulog.
Sanayan lang
Hanggang mawala
Kung pwede sana
Ngayon na
Dahil ano bang silbi
Na mag-intay
Sa wala
Walang-wala
Simula't simula
Di mo nakuha
Ako lang, ako talaga
Nandito ako pero mag-isa.
Kaya ako na naman
Ako lang na naman
Ako ang nakaramdam
Ako na mag-abang
Walang kasawaan
Mag-alala't
Ikaw nga ang inaasam
Sana balang-araw
Ako naman
Ako na lang
Sanayin mo naman
Maghanap
Magmahal
Kelan mo ba ko makakasanayan
Baka hindi na
Mukhang hindi na
Sabi mo, malay natin
Wala namang totoo dito sa'tin.
7/12/2023 2123hrs
Wednesday, September 7, 2011
Tamang Sagot
nainterbyu ka na ba?
naranasan mo naman na siguro yun. madalas, nabablangko ang isip sa ganyan. mala-wynona ryder expression nung tinanong sya sa movie na Reality Bites kung ano ang definition ng 'ironic'. nagkanda-utal utal sya. which is actually ironic dahil matalino sya dun (ewan ko lang sa totoong buhay).
sa interbyu, minsan confident ka. alam mo kung ano ang tinutukoy nya. you're on the same page. pag-uwi mo, sure ka na tatawagan at oofferan ka na.
pano kung ang mga tanong, hindi mo masagot. ita-try mo ba lumusot? magpapanggap na medyo alam mo, pero basic lang kuno. dyahe naman kasi aminin na... "i don't understand the question and even if i do, i don't think i know the answer."
sige nga. ano ang isasagot mo kung tinanong ka na
"how was the Banaue Rice Terraces built: from top to bottom or bottom to top?"
"how tall (in feet) do you think this building is?"
"how many drops of water is there in the Pacific Ocean?"
hint: totoong tinanong sakin yan ng interviewer (pambihirang interbyu yan!)
eto mas mahirap na tanong
"umutot ka ba?"
"me pera ka?"
"bakit mga kapatid mo maganda?...."
"namimiss mo ba ako?"
"san tayo titira?"
"mahal mo ba ako?" (tas sasagutin ka ng "ayoko ng mga ganyang tanong"...patay tayo dyan!)
pag-iisipan mo pa ba ang isasagot dyan? sasagutin mo ba? imamaskara mo? automatic yan, dapat alam mo ang sagot. dahil minsan, hindi na dapat isipin kung ano ang kahihinatnan ng sinabi mo. ang mahalaga, nasabi mo kung ano yung unang pumasok sa isip mo (na madalas naman, eh yun yung totoo). kasi gaya nga ng sabi sa My Bestfriend's Wedding, minsan... "the moment just passes you by". you had your chance pero dahil pinag-isipan mo ng husto ang isasagot, napaglipasan na. wala na yung momentum. wala na yung nagtatanong. therefore, wala ng makikinig sa isasagot mo (sayang, pinaghandaan mo pa naman ng husto).

Sunday, September 4, 2011
Ugnay-ugnayan
May mga klase ng relasyon na umpisa pa lang, alam mo nang.... eto na.
Eto na yung iniintay mong dumating. yung madalas napapanood mo lang. di ka makapaniwala na nangyayari na sayo. pakiramdam mo, ikaw na ikaw ang bida. wala ng makakapigil. happy ending ang storya.
Me mga klase ng relasyon na... umpisa pa lang drama na.
Parang puro laging problema. Katatapos pa lang ng twist, me panibagong kontrabida na naman. Sanay kang laging may "sana". Di bale. Ang motto mo naman "This too shall pass".
Me mga klase ng relasyon na... parang kabute.
Di mo alam, nagsimula na. Di mo naman kasi hinanap. Di mo rin pinlano. Napansin mo na lang bigla, nasa relasyon ka na. Nagpapaalam at pinapaalam ang mga bagay-bagay. Nagtataka ka dahil di ka naman ganyan dati. Pero sa kanya, parang natural na natural lang. Walang effort, seamless at in-sync agad.
Me mga klase ng relasyon na... alam mong di magtatagal.
Pero pinasok mo pa rin. Kasi gusto mo sya talaga. Di bale ng me expiry date kayo. Sabi mo nga, "while it last". Patibayan ng loob. Ang unang sumuko, talo.
Me mga klase ng relasyon na... nakabitin lang.
Either ikaw or sya ang hindi pa seryoso. Isa sa inyo, hindi pa sigurado. May hinihintay pa or may tinatapos pa. Kaya ang palaging tanong ng isa "Shall i stay or shall i go?"
Me mga klase ng relasyon na... tapos na pala.
Wala ng maibubuga. Hanggang dun na lang talaga ang shelf life. Ayaw mo pa sana magpaalam pero... para saan pa? Ikaw na lang mag-isa ang natira. Di mo ba nahalata?
Me mga klase ng relasyon na... sa hirap at ginhawa.
Problema ba kamo? Yakang-yaka yan. Parang chopstick ang tingin mo sa inyong dalawa. Pag mag-isa, walang nagagawa. Pero pag magkasama, unbeatable talaga.
Me mga klase ng relasyon na... ikaw ang kontrabida.
Masaya na sana sila, pero humahadlang ka pa. Pilit mo ginigitna ang sarili mo. Kulang ka kasi sa pansin mula pagkabata. Di ka sanay na maligaya ang iba kahit wala ka sa litrato. Ang alibi mo, "Di naman sa nanghihimasok ako... pero tama ako di ba?"
Me mga klase ng relasyon na... OPM (On Pag Magkasama).
Me mga klase ng relasyon na... hinulma sa bula.
Maganda lang tignan pero madaling nawawala. Hindi maikahon. Hindi maitago. Mahipan lang ng hangin, puputok na agad. Walang bakas na maiiwan.
** bluepalito visited me at 2am in the morning. i miss u dear blog!

Monday, May 9, 2011
Para Sa Mga Umaasa
Di ba minsan maiisip mo, "sayang".
Minsan naman, "buti na lang..."
Pero ang puno't dulo don, ikaw lang naman yung umasa/umaasa.
Ang saklap, di ba?
(emo mode)
Wednesday, January 12, 2011
A Letter to my Current
Dear bayabas,
If you were my ex, and you came to me, I would've been of use to you in an instant. You wouldn't need to wait (wait, of course you would!) But i wont take much of your time. You will have my reply asap. You will have the result that you want in an instant.
But you are not my ex. You are my current. And I say that with an effort to cheer myself.
I want to take time to know you. You seem so complicated but fun. Low maintenance but high risk.
Please don't make this so hard for me. Don't send me running off. Let's make this relationship beneficial and enjoyable. Pwede naman yun di ba? We'll take care of each other. I'd give you as much, if not more, than what I've given my ex.
Just let me hold on to you. Don't let me go.
Your new caretaker,
man1

Monday, January 3, 2011
Monday, December 6, 2010
How to save your heart?
SHOULD:
never expect.
never demand.
never assume.
KNOW:
you limits.
where you stand.
your role.
DONT:
get affected.
get jealous.
get paranoid.
wait for his/her text.
JUST:
be contented.
go with the flow
and stay happy.
------------------------
not mine :) just read it from this link.

Wednesday, June 16, 2010
Confessions of an Unwanted
Nakakadepress pala pag nalaman mo na likeable ka. Na people find you great, positive, appealing, etc.
Nakakadepress kasi napapaisip ka. Natatanong mo sarili mo na kung likeable ka, bat di ka magustuhan nung gusto mo (as if naman masasagot ka ng sarili mo. wala ka naman lakas ng loob itanong sa iba yung tanong mo. Kaya nga eto, muka kang engot. Kinakausap mo sarili mo).
"I got the message long before you said you knew
There was no chance of us at all"
So hindi ka naman pala panget. Di ka naman pala loser. Bat ayaw ka nya? Hmm, sige masyado naman negative ang salitang "ayaw". Di ka lang nya type.
"You said we were an accident
With accidents you’ll never know what could have been"
Nakakabadtrip di ba? Nakakawalang gana. Parang gusto mo maglupasay minsan o kaya magmaktol para mapansin ka nya. Kaso ingat ka din kasi baka lalo ka di magustuhan. Sows. Di ka na nga gusto eversince, mag-nenegative pogi/ganda points pa. Bokya lalo. Zero. Olats.
"Without the reign of terror over every momentary change
We are exactly as before"
Buti sana kung me nagugustuhan kang iba e. Kaso wala. Kaya di mo makalimutan na unwanted ka nung ginugusto mo. Ang masaklap pa, magkaibigan naman kayo. So like ka rin nya. Magkaibang level nga lang. Ang taraaaay! Nag-level up ka kasi. Di mo na-maintain yung minimum level required. Nag-upgrade ka. Nakita mo yung possibility. Sya hinde. Bwahahaha. Kung ano ano kasi pumapasok sa imahinasyon mo.
"We could have been (We could have been again)
Instead of accidental running always running (why can’t you believe)"
Haller. Kasali ba sa sya sa upgrade package mo? Hinde naman di ba? Kaya ganyan. Napapaisip ka kung bat di ka nya magustuhan kasi ikaw, gusto mo na sya. As you were. Gustong gusto mo na sya. Pero di mo masabi sa kanya.
Medyo low blow na kasi kung di mo pa natanggap na unwanted ka na. Nag-try ka pa rin tas nareject ka. *fucktheduck*
-- My Favorite Mistake, Motion City Soundtrack (pakinggan nyo to pramis, pang-rockband ang dating habang nag-eemo)

Tuesday, March 2, 2010
Palitaw
Sobrang saya ko sa pagiging nanay kaya di ko na naa-update tong personal blog ko. Pero marami rami na akong naiisip isulat. Teka, umpisahan ko na...
Yung unang yaya ni Pompy, babalik daw sa amin. Pero pagkatapos na ng eleksyon. Sabi ko, bakit boboto ka pa? Same-same lang naman ng result yan (kala ko naman excited sya dahil high tech na tayo this time). Reply nya, madami kasi pera ate pag botohan. Lahat ng kandidato nagbibigay. Nakngbawang! Ganon ba yon?? (bat ako walang natatanggap?) O sa probinsya lang yun?
O-o-O-O-o-O

Pag naaalala ko si GMA, napapailing ako. Andami na attempts para matanggal sya sa pwesto. Buhay na buhay pa rin. Malalim ang ugat. Matibay ang kapit (matigas ang mukha). Mas nakaka-amaze alalahanin na zero vote si FPJ sa Sto. Tomas Pangasinan nung May 14, 2004. Ang galing!!
O-o-O-O-o-O
Mas magaling yung sa Ampatuan Massacre (for the lack of word to use). Naisip nila yon? Patayin lahat ng nasa daraanan nila (literally speaking), even if it means killing all 60 people. Babae, lalake, payat, mataba, matanda, bata, me sipon o wala, kalbo o me uban, me anghit o wala. Lahat. Patay. At sige, ibaon natin lahat. Pati sasakyan (naisip pa nila yun?). Wow (sobrang speechless ako, hindi sapat lahat ng masasamang salita kaya WOW na lang). Anong petsa na? Di ba pwede patayin na lang din yung mga accused para eye for an eye?
O-o-O-O-o-O
On the lighter side, madalas ko naiisip na sayang talaga ang mga panahong pinalipas ko. Malapit na ako mag-31. Isa pa lang anak ko (at bubwit pa sya). Sana (sana sana ) mga 23 or 24 ako nagkaron ng panganay. At least by the age of 40+, nakapag pagraduate na ako, mellow down, titira sa beach, etc. Pero ngayon, i see myself na 50 yrs old na, nagpapaaral pa. Ang saklap! Unless manalo sa lotto or makapagtayo ng business (na ewan kung me future ba ako dyan).
Preparasyon. Yan ang ginawa ko while I was in my 20s. Wrong move talaga.
Preparasyon. Yan ang ginawa ko while I was in my 20s. Wrong move talaga.
O-o-O-O-o-O
Sa mga nag-aabroad (at iniiwan ang pamilya sa Pinas) para makaipon ng mas malaki-laki, naglalakas-loob at nakikipag-sapalaran... "i feel you dawg". Wag lang kakalimutan (araw araw sabihin sa sarili ito, or ilagay sa post it para mabasa lagi), na pamilya ang dahilan ng pagsasakripisyo mo. Wag mo kalimutan ha. May PAMILYA kang naghihintay sayo. Baka mawala sa isip mo kahit panandalian lang, mabalewala yung main purpose mo kung bat ka nagsasakripisyo. At kung saka-sakaling nakalimutan mo na nga, tarantado ka. Umuwi ka na lang kesa magtuloy-tuloy pang-gagago mo dyan (manalangin na lang na may uuwian ka pa).
Thursday, June 4, 2009
Weird Ba?
Ayoko ng sebuyas.
Tinatanggal ko yan pag kumakain ako ng cheeseburger ng Mcdo. Tinatanggal ko rin yan pag bistek ang ulam.
Ayoko sa kanya kasi matunog pag nginunguya. Parang kropek (pero mas mahina.) Tapos, di ba mabaho din daw sa hininga?
Ilayo nyo ako sa sebuyas!
Pero oo, mahilig ako sa onion rings.
Weird ba?

Wednesday, February 11, 2009
Bawal!
Q: Ano ang gagawin mo kung me feelings ka sa isang tao na hindi naman dapat?
A: Wala, pabayaan mo lang. Mawawala rin yun.

Panira ng Araw
Q: anong song ang pwedeng makasira ng araw mo pag napakinggan mo umagang-umaga?
A: Power of Love ni Celine Dion.
Q: anong song ang pwedeng makasira ng araw mo pag napakinggan mo bago ka matulog sa gabi?
A: Power of Love ni Celine Dion.
Utang na loob. Coincidence na dalawang araw eto ang pambungad at pang-goodnight song sakin ng mga shuttle na sinasakyan ko papasok at pauwi. Syet, nakakapang-hinga. Patago kong sinasabunutan ang sarili ko ...

Subscribe to:
Posts (Atom)