Showing posts with label NotFunny. Show all posts
Showing posts with label NotFunny. Show all posts

Wednesday, September 7, 2011

Tamang Sagot

nainterbyu ka na ba?

naranasan mo naman na siguro yun. madalas, nabablangko ang isip sa ganyan. mala-wynona ryder expression nung tinanong sya sa movie na Reality Bites kung ano ang definition ng 'ironic'. nagkanda-utal utal sya. which is actually ironic dahil matalino sya dun (ewan ko lang sa totoong buhay).

sa interbyu, minsan confident ka. alam mo kung ano ang tinutukoy nya. you're on the same page. pag-uwi mo, sure ka na tatawagan at oofferan ka na.

pano kung ang mga tanong, hindi mo masagot. ita-try mo ba lumusot? magpapanggap na medyo alam mo, pero basic lang kuno. dyahe naman kasi aminin na... "i don't understand the question and even if i do, i don't think i know the answer."

sige nga. ano ang isasagot mo kung tinanong ka na

"how was the Banaue Rice Terraces built: from top to bottom or bottom to top?"
"how tall (in feet) do you think this building is?"
"how many drops of water is there in the Pacific Ocean?"

hint: totoong tinanong sakin yan ng interviewer (pambihirang interbyu yan!)

eto mas mahirap na tanong

"umutot ka ba?"
"me pera ka?"
"bakit mga kapatid mo maganda?...."
"namimiss mo ba ako?"
"san tayo titira?"
"mahal mo ba ako?" (tas sasagutin ka ng "ayoko ng mga ganyang tanong"...patay tayo dyan!)

pag-iisipan mo pa ba ang isasagot dyan? sasagutin mo ba? imamaskara mo? automatic yan, dapat alam mo ang sagot. dahil minsan, hindi na dapat isipin kung ano ang kahihinatnan ng sinabi mo. ang mahalaga, nasabi mo kung ano yung unang pumasok sa isip mo (na madalas naman, eh yun yung totoo). kasi gaya nga ng sabi sa My Bestfriend's Wedding, minsan... "the moment just passes you by". you had your chance pero dahil pinag-isipan mo ng husto ang isasagot, napaglipasan na. wala na yung momentum. wala na yung nagtatanong. therefore, wala ng makikinig sa isasagot mo (sayang, pinaghandaan mo pa naman ng husto).

Sunday, September 4, 2011

Ugnay-ugnayan

May mga klase ng relasyon na umpisa pa lang, alam mo nang.... eto na.
Eto na yung iniintay mong dumating. yung madalas napapanood mo lang. di ka makapaniwala na nangyayari na sayo. pakiramdam mo, ikaw na ikaw ang bida. wala ng makakapigil. happy ending ang storya.

Me mga klase ng relasyon na... umpisa pa lang drama na.
Parang puro laging problema. Katatapos pa lang ng twist, me panibagong kontrabida na naman. Sanay kang laging may "sana". Di bale. Ang motto mo naman "This too shall pass".

Me mga klase ng relasyon na... parang kabute.
Di mo alam, nagsimula na. Di mo naman kasi hinanap. Di mo rin pinlano. Napansin mo na lang bigla, nasa relasyon ka na. Nagpapaalam at pinapaalam ang mga bagay-bagay. Nagtataka ka dahil di ka naman ganyan dati. Pero sa kanya, parang natural na natural lang. Walang effort, seamless at in-sync agad.

Me mga klase ng relasyon na... alam mong di magtatagal.
Pero pinasok mo pa rin. Kasi gusto mo sya talaga. Di bale ng me expiry date kayo. Sabi mo nga, "while it last". Patibayan ng loob. Ang unang sumuko, talo.

Me mga klase ng relasyon na... nakabitin lang.
Either ikaw or sya ang hindi pa seryoso. Isa sa inyo, hindi pa sigurado. May hinihintay pa or may tinatapos pa. Kaya ang palaging tanong ng isa "Shall i stay or shall i go?"

Me mga klase ng relasyon na... tapos na pala.
Wala ng maibubuga. Hanggang dun na lang talaga ang shelf life. Ayaw mo pa sana magpaalam pero... para saan pa? Ikaw na lang mag-isa ang natira. Di mo ba nahalata?

Me mga klase ng relasyon na... sa hirap at ginhawa.
Problema ba kamo? Yakang-yaka yan. Parang chopstick ang tingin mo sa inyong dalawa. Pag mag-isa, walang nagagawa. Pero pag magkasama, unbeatable talaga.

Me mga klase ng relasyon na... ikaw ang kontrabida.
Masaya na sana sila, pero humahadlang ka pa. Pilit mo ginigitna ang sarili mo. Kulang ka kasi sa pansin mula pagkabata. Di ka sanay na maligaya ang iba kahit wala ka sa litrato. Ang alibi mo, "Di naman sa nanghihimasok ako... pero tama ako di ba?"

Me mga klase ng relasyon na... OPM (On Pag Magkasama).


Me mga klase ng relasyon na... hinulma sa bula.
Maganda lang tignan pero madaling nawawala. Hindi maikahon. Hindi maitago. Mahipan lang ng hangin, puputok na agad. Walang bakas na maiiwan.

** bluepalito visited me at 2am in the morning. i miss u dear blog!


Monday, December 6, 2010

How to save your heart?

SHOULD:
never expect.
never demand.
never assume.

KNOW:
you limits.
where you stand.
your role.

DONT:
get affected.
get jealous.
get paranoid.
wait for his/her text.

JUST:
be contented.
go with the flow
and stay happy.

------------------------
not mine :) just read it from this link.

Tuesday, August 24, 2010

Wag na Magmarunong

Today, Filipinos get to exercise their "freedom of speech" and "everybody-is-entitled-to-his-own-opinion" dialogue on 2 subjects: hostage and Miss Universe.

Palpak daw ang SWAT.
Palpak ang sagot.

Sana ganito.

"Baka kinabahan...
Di nag-iisip..."

Andami na naman umaalingawngaw na mga opinyon. O sige na, mas magaling na kayo :))

Personally, ako nagpasalamat na lang ke Lord na habang nangyayare yung nangyayare sa bus e safe ang mga mahal ko sa buhay.

Nakakatawa lang. Dun sa mga nagtatanong, bakit wala si Noynoy sa site kagabi. Haller? Plano nyo pang gawing negotiator ang Pangulo?!

Tsaka nga pala salamat na rin ke Ms. Philippines kasi 4th place is still 4th place. Karangalan pa rin yun.

Wednesday, May 12, 2010

Andami nagrereklamo sa election result

Unang tanong, bumoto ba kayo?

Kasi kung hindi, wag na magreklamo sa result. Hindi naman kayo yung pumila at halos mahimatay sa putok ng katabi nyo.

You may be out, too busy, too lazy, too smart to go out and vote last May 10. That is your fault. Let's hear all your lame excuses.

Only us who were "tatanga-tanga" or "worthless" or "binayaran" were too eager to line up and hope to have our votes counted. You say we're hopeless... eh asan kayo? You have the best candidate in your mind? Then why the fuck did you not vote?

You passed up on the opportunity to be counted, you lose your right to be heard.

ps: talo din manok ko, kaya naisip ko sana bumoto kayo para yung gusto natin ang nanalo.

Tuesday, March 2, 2010

Palitaw

Sobrang saya ko sa pagiging nanay kaya di ko na naa-update tong personal blog ko. Pero marami rami na akong naiisip isulat. Teka, umpisahan ko na...

O-o-O-O-o-O

Yung unang yaya ni Pompy, babalik daw sa amin. Pero pagkatapos na ng eleksyon. Sabi ko, bakit boboto ka pa? Same-same lang naman ng result yan (kala ko naman excited sya dahil high tech na tayo this time). Reply nya, madami kasi pera ate pag botohan. Lahat ng kandidato nagbibigay. Nakngbawang! Ganon ba yon?? (bat ako walang natatanggap?) O sa probinsya lang yun?

O-o-O-O-o-O

Pag naaalala ko si GMA, napapailing ako. Andami na attempts para matanggal sya sa pwesto. Buhay na buhay pa rin. Malalim ang ugat. Matibay ang kapit (matigas ang mukha). Mas nakaka-amaze alalahanin na zero vote si FPJ sa Sto. Tomas Pangasinan nung May 14, 2004. Ang galing!!

O-o-O-O-o-O

Mas magaling yung sa Ampatuan Massacre (for the lack of word to use). Naisip nila yon? Patayin lahat ng nasa daraanan nila (literally speaking), even if it means killing all 60 people. Babae, lalake, payat, mataba, matanda, bata, me sipon o wala, kalbo o me uban, me anghit o wala. Lahat. Patay. At sige, ibaon natin lahat. Pati sasakyan (naisip pa nila yun?). Wow (sobrang speechless ako, hindi sapat lahat ng masasamang salita kaya WOW na lang). Anong petsa na? Di ba pwede patayin na lang din yung mga accused para eye for an eye?

O-o-O-O-o-O

On the lighter side, madalas ko naiisip na sayang talaga ang mga panahong pinalipas ko. Malapit na ako mag-31. Isa pa lang anak ko (at bubwit pa sya). Sana (sana sana ) mga 23 or 24 ako nagkaron ng panganay. At least by the age of 40+, nakapag pagraduate na ako, mellow down, titira sa beach, etc. Pero ngayon, i see myself na 50 yrs old na, nagpapaaral pa. Ang saklap! Unless manalo sa lotto or makapagtayo ng business (na ewan kung me future ba ako dyan).

Preparasyon. Yan ang ginawa ko while I was in my 20s. Wrong move talaga.

O-o-O-O-o-O

Sa mga nag-aabroad (at iniiwan ang pamilya sa Pinas) para makaipon ng mas malaki-laki, naglalakas-loob at nakikipag-sapalaran... "i feel you dawg". Wag lang kakalimutan (araw araw sabihin sa sarili ito, or ilagay sa post it para mabasa lagi), na pamilya ang dahilan ng pagsasakripisyo mo. Wag mo kalimutan ha. May PAMILYA kang naghihintay sayo. Baka mawala sa isip mo kahit panandalian lang, mabalewala yung main purpose mo kung bat ka nagsasakripisyo. At kung saka-sakaling nakalimutan mo na nga, tarantado ka. Umuwi ka na lang kesa magtuloy-tuloy pang-gagago mo dyan (manalangin na lang na may uuwian ka pa).

Thursday, September 24, 2009

High sa Hiskul

Di ko na malaman kung kelan pa ako outdated sa mundo. Di ko na alam kung ano ang palabas sa sine, kung sino ang mag-jowa sa tv. Ewan. Ma at Pa.

Pero lately, nagugulantang ako. Me mga nalalaman ako galing sa mga kabataan na nakaka... hmm... what's the word... disturb.

Kelan pa naging ok na magtawagan ng "asawa ko" ang mga hiskul magjowa?
Kelan pa naging ok ipost sa prenster ang mga pictures na naghahalikan?

Ibig ba sabihin, di na talaga uso ang "maghintay" bago ikasal.
Ni hindi na nga ata uso ang "maghintay" bago mag-debut.

Naghihintay man lang ba makagraduate ng hiskul bago gawin yun?
Wtf.

Me pambili man lang ba kayo ng diaper kung maka-jackpot kayo? Aasa na naman sa magulang.

(Leche, hayok na hayok sa laman. Di naman kayang panindigan...)

Naha-highblood ako. Ang lalandi nyo.

Monday, June 22, 2009

Nakakahiya Ka!

2 consecutive days na akong napapatabi sa sipuning nilalang sa shuttle. Magkaibang tao eto. Pero, umagang-umaga singhot ng singhot. Naiimagine nyo ba na tahimik sa shuttle, tas singhot lang nya ang naririnig ng lahat?

Etiquette lang naman yun di ba? Ang gaganda nyo pa naman, japorms. Sosyal sa pang-opis attire. Tas tulo sipon? Uhugin? Batang onse?

MAHIYA KA NAMAN.

5 pesos lang tissue sa public cr. O di kaya magbaon ka ng panyo.

Sa panahon ngayon, hindi lahat tayo afford magkasakit. Maawa ka naman sa mahahawa sayo =(

Thursday, February 26, 2009

Naalala Ko Lang

  • Me crush ako nung college days. Para sakin, pogi sya. Kahit short sa height. Isa lang ang picture nya sakin. Stolen shot sa canteen. Araw-araw nakaipit yun sa libro ko. Binilugan ko pa ng piso yung mukha nya.

    After 10 yrs, nakita ko sya ulit...

    Para pala syang laging natatae.


  • Nakakainis pala mag-foodtrip sa Mcdo pag umaga. Pano pag trip na trip mo na mag Large "fries fries" at wala pang 1030am? Hindi pwede. Breakfast meal lang ang sine-serve nila.

Wednesday, February 11, 2009

Bawal!

Q: Ano ang gagawin mo kung me feelings ka sa isang tao na hindi naman dapat?
A: Wala, pabayaan mo lang. Mawawala rin yun.

Panira ng Araw

Q: anong song ang pwedeng makasira ng araw mo pag napakinggan mo umagang-umaga?
A: Power of Love ni Celine Dion.

Q: anong song ang pwedeng makasira ng araw mo pag napakinggan mo bago ka matulog sa gabi?
A: Power of Love ni Celine Dion.

Utang na loob. Coincidence na dalawang araw eto ang pambungad at pang-goodnight song sakin ng mga shuttle na sinasakyan ko papasok at pauwi. Syet, nakakapang-hinga. Patago kong sinasabunutan ang sarili ko ...

Saturday, July 19, 2008

Kwentong Barbero este Parlor....

Oi, pag-usapan naman natin ang latest chismax.

Ano na naman ba itong nababalitaan ko mula sa mga barbero na may nagmamala-Suspicious Lines tayong friend. Feeling Oracle si know-it-all at gustong sumagupa sa bagyo sa ngalan ng serbisyong totoo...etching!

Hindi ito balitang balakubak mga darling.

Wiz mo ma-gets?

Haaay, ikaw ba ay pansamantalang nakadestino sa bundok trulili? Talasan ang mga radar at i-upgrade ang memory.

O sige... eto ang clues:

Monopoly. Monopoly. Monopoly.

At syempre pa... Dyosa.

ps: hanggat walang nakakahula, di ako magpopost ng bagong article. hmf.

ps2: Thanks sa title, 'Lec.

Friday, July 18, 2008

Ano Na?

Oy wag na magkunware...tatawa-tawa kayo dyan...last week andami na natatakot nung lumabas yung email tungkol sa prediction ni Juseelino Nobrega Daroose.

"2008
- Will find the medicine for AIDS and Dengue
- 18th July, Philippine will get 8.1 earthquake, thousands people will die
- The Empire State Building New York will get terror attack in September.
- 13th of September, China will get 9.1 earthquake in Nanning and Hainan, at the same time will get 30 meters Tsunami, millions people will die, the tsunami may go to Japan Directly."

Ayon dito
wala namang binabanggit si Jusee (nickname nya, close kami...) na earthquake sa Pinas. At kung meron man, maniniwala ka ba?

Bakit andali paikutin ng mga Pinoy sa email at sms? Ganun ba tayo ka naive o we're just desperate to believe in to anything?

July 18 na, lilindol ba? :D me kalahating araw pa...

Wednesday, July 16, 2008

Balitang Showbiz

So there was a rape case against Vic Sotto, Joey de Leon, and Richie D' Horsie?

The year was 1982. And it was filed by the underaged Pepsi Paloma. Rene Cayetano, a just-starting attorney, was assigned to take her case but it was settled out of court and the trio made a public apology. She commited suicide on 1985.

There are very few related articles in the web regarding this issue (alam nyo na siguro kung bakit).

Bakit ko nilagay 'to sa blog ko? NAGULAT kasi ako. Parang lahat ng tao sa Pinas, alam itong issue na 'to... pwera ako :))

So now, everybody moved on. I never liked Tito, Vic, and Joey and their "funny antics". "Etchas! etchas! etchas ka pa!" was all I can remember from their movie with Aiza Seguerra. But Filipinos buy it. My hubby likes them. I let him be.

I am seeing rapists everyday on my boob tube... and people laugh at them, and with them.

(Just thinking out loud.)

Monday, July 7, 2008

Bakit Ganun, Yoshi?


Ako lang ba ang naghahanap ng Salmon Bowl dito sa Pinas? Di ba supposed-to-be, mura lang Salmon dito kumpara sa Singapore?

Bat walang Salmon Bowl dito? (meron lang Salmon Teriyaki, nde masarap)

At bat walang vegetables na kasama sa Beef Bowl? Hindi naman yata makatarungan yan.

Swerte ng mga yoshi-lovers sa Sing. Sa Taiwan, wala din Salmon Bowl...

Friday, June 20, 2008

Pasan Ko ang Daigdig

prologue: normally, I wouldn't rant on this blog about these things... pero kasi... pwede ko na ikumpisal na may bad toughts ako para sa 3 taong ito:

1. The Charcoal. May uling na nagpauso sa amin ng "multitasking". Ayos naman sana. Para daw lumawak ang kaalaman mo. Kaso in the long run, parang abuso na. Yung tipong hazardous to health na sa sobrang dami ng pinapagawa. Tapos ang nakakainis pa, kunyare concern sya sayo. Sunugin!

2. The Dynamite. Masakit sa ulo pag aali-aligid sya sa'yo dahil sa di kaaya-ayang amoy. Nagpanic ba naman. Di daw sya makapagtrabaho. Ewan kung bakit hindi nya kayang ayusin mag-isa yung mga gusot na gawa nya. Daig pa ang aso namin sa pagka-high maintenance. Hanggang kelan me sasalo ng mga gusot na gawa mo? Maawa ka naman sa amin, Boom Boom.

3. The Senior Citizen. Dapat dito retired na. Kaso walang pangsustenyo sa mga luho nya. Kaya "nagtatrabaho" pa. Dahil wala ng ibang kayang gawin kundi magbasa ng news, parusa ang maging katrabaho nya. Para ding tuta na kailangan ng guidance. Kung hindi, maliligaw (sa edad na pwede na mag-adult diapers, LOST sya pramis). Ang pinaka-nakakainit ng dugo, dahil siguro sa katandaan o dahil sa dami ng impormasyon galing sa mga Balitang nasasagap nya online, WALA syang matandaan pag tungkol sa trabaho ang usapan. Paulit ulit ka nya gagambalain. "Ano na balita?", "Tapos na ba ito?", "Ano nga ulit yung problema?".... Mother Father!!! Kahit lagyan mo ng post-it yung noo nya, babalikan ka pa rin para itanong yung mga tanong nya 5 mins ago. Gloria resign! Senior Citizen, resign!

My common factor 'tong tatlong asungot na 'to. Nalilipol sila sa isang lugar lang. Hibernating.

Sunday, June 15, 2008

Nakakainis!

Ayoko ng imbento.

Ayoko ng eksperimento.

Sana kung ano yung nakasanayan, yun na.

Ang sinigang.... dapat baboy. Ang nilaga, sa baka. Ang sopas, pang-manok.

Bat pa paghahalu-haluin? OO nga pwede naman. Pero masarap ba naman?

Nagluto samin ng sopas, ang nakahalo ay BABOY. Badtrip na badtrip ako. Sablay sa panlasa e.

Nagmemenudo ka ba ng isda?

Tinolang baka?

Di porke pwede, gagawin.

Panget minsan yung outcome e.

Tuesday, May 6, 2008

And You Are...?



Why is it that

a parent or a boss can continually get disappointed

with their kids, or their subordinates

without realizing

that the kids, or the team

also gets disappointed...

(because they unconsciously reflect how they are being "managed")

Wednesday, April 30, 2008

Nagpapatawa Ka Ba?

On KFC, while on queue...

KFC staff: ... ano po yung drinks?
girl 1: Sprite.
KFC staff: Mam, Pepsi product po kami. Ok lang po 7-up?
girl 1: Ayyy... walang Sprite???

(blag!!!! I imagine girl's head is hit with the cash register. By me, of course.)

girl 2: Ako order ko Fully Loaded meal.
KFC staff: Ano po yung chicken, original or hot & crispy?
girl 2: huh? ano yun? *taray-mode*
KFC staff: chicken flavor po, original or hot & crispy?
girl 2: ano difference?

KFC staff explained.

girl 2: (after long 'uhmmmmmm') ah sige original na lang.
KFC staff: ano po fixin nyo?
girl 2: ano ano ba ang choices?

(ME: UNGAAAAAAAAAAAAS!!!!! Kanina ka pa nakapila di mo inisip yan?!)

KFC staff enumerated.

girl 2: (after another long 'uhmmmmmm') Mashed potato na lang....

by the way, Girl 1 and Girl 2 are together. And no, I don't think this is their 1st trip to KFC...

Tuesday, March 25, 2008

Open Letter sa mga Sunog-Baga ng PBCom

Walang pinipiling oras. Umagang-umaga. Tanghali. Hapon hanggang gabi. Kalat-kalat na kumpulan ng mga nagyoyosi sa labas ng PBCom Tower, Ayala Makati.

Kung passerby ka, para kang nasa maze. Find your way out dahil mausok ang paligid. Dapat praktisado ka sa swimming. Matagal na hindi hihinga kung ayaw mo malanghap lahat ng usok na binubuga hindi sa kausap nila.... kundi sa mga dumadaan.

Simpleng panawagan lang naman. Konting konsiderasyon lang po sa mga nagdaraan...