Showing posts with label travel. Show all posts
Showing posts with label travel. Show all posts

Monday, July 7, 2008

Bakit Ganun, Yoshi?


Ako lang ba ang naghahanap ng Salmon Bowl dito sa Pinas? Di ba supposed-to-be, mura lang Salmon dito kumpara sa Singapore?

Bat walang Salmon Bowl dito? (meron lang Salmon Teriyaki, nde masarap)

At bat walang vegetables na kasama sa Beef Bowl? Hindi naman yata makatarungan yan.

Swerte ng mga yoshi-lovers sa Sing. Sa Taiwan, wala din Salmon Bowl...

Tuesday, June 17, 2008

24 Hours in Tagaytay

For the much needed break, we decided to spend a weekend at Tagaytay. You think you've been there before? Think again. This place has transformed (we cannot do anything about the heat, though. Summer stinks.)

Mijo Hotel. Affordable rate (1800 a night for a comfortable and clean room, friendly staff) We found this thru forums and personal recommendation from Aps. Medyo hassle lang sa parking space. Babalik pa ba kami? Maybe after trying those 5 star-hotels we initially wanted but later decided it might not be worthy after all (kasi balak talaga namin maglagalag sa Tagaytay, not stay at the hotel for the whole day)

Peso Power: 8


First stop: RSM Restaurant

Feeling ko overpriced ang pagkain dito. Kasi naman Inihaw na Baboy, Sinigang sa Miso, at Saging con hielo lang order namin, umabot na kami ng 800 pesoses! Ok ang view ng Taal. Sitting pretty by the window. Mahangin. Ok dito magpalipas ng oras (humanga at tumunganga sa view).

Peso Power: 6

2nd Stop: Bag of Beans

Dito kami nag-snack. I don't know what's the fuss all about. Andami insekto sa loob hehe. Di ako makakuha ng picture sa kokonting halamanan kasi laging me nangangagat. Garden-type ang ambiance. Parang kumakain ka sa garden ng kaklase mo ang feeling hehe. Syempre sosy ang mga customers. Giant pancake! We ordered Banana Walnut (3pcs/order) and 2 Guyabano shake (sarap!). Total bill was 300++. Will I visit again? Pwede na. Pag kasama siguro ang tropa, para mas masaya. Pwede maghalakhakan na parang walang pakialam sa mundo. Pero kung 2 lang kayo, medyo boring. Kakain lang talaga (at magmamadali ka na umalis dahil pinapapak ka na ng kung ano man)

Peso power: 7 (masarap kasi yung food)


3rd Stop: Antonio's Restaurant

Nope, di kami kumain dito hehe. Kasunod lang kasi sya ng Bag of Beans kaya nag-try na kami sumilip. Medyo malayo from the main road. Sosy yung sa gate pa lang. We heard kelangan ng reservation to actually dine in. Sayang. From what I've heard, sarap daw ng food dito. Tsaka maganda yung garden.





4th Stop: The Flower Farm.

Curious kami. Baka sakali mag picture-picture dito. Sows.... anlayo lalo from main road. Tapos...wala na. Ni hindi naman kami kumatok kung pwede ba pumasok. Nyahaha. Sabi nila sarado na 'to. Di na siguro pwede for the public. Nakakapagod na rin. Tsaka palubog na yung araw. Uwian na lang.

5th Stop: Green ATS Bulalohan

Top favorite kainan sa Tagaytay! Secret lang sana 'to. Kung cowboy ka and trip mo magpunta sa tagaytay ng madaling araw, dito na kayo tumambay. Newly renovated (me mga waiters na sila ngayon hehe). Di naman nagbago yung presyo. Bulalo nila nasa 200++ pa rin. Bbq = 25 pesos. The best talaga. Main reason why I don't order Bulalo in Manila is because I fear I'd end up comparing it to their bulalo. Pag napadaan kayo dito and di nyo ni-try, your loss =P

Peso Power: 9

The next day: Dinaanan na lang namin 'tong mga 'to.
5R Rooms for Rent. (046) 413-4249 or 0917-2546529
Keni Po Rooms. (046) 4830977
Tagaytay Econo Inn. (046) 413-4284 or 632 5298176
THouse. (046) 483.0011, (046) 483.0012, (mobile) 0922-8THouse

Last Stop: Good Sheperd Sisters. Famous for their.... err... ube jam, buko pie and suman sa liya? Nakibili na rin kami pampasalubong :) Uwian na... yehey. Now, feast your eyes.


* overpriced Sinigang sa Miso and Inihaw na Baboy *

* the best BULALO in town*

* Giant Pancakes! *




Now.. if only I know where I got food poisoned.....

Saturday, December 29, 2007

Monumento: Gandang Ricky Reyes


Tama ba yung nakikita ko...
Ano yung virgin hair?

At kelan pa naging pwede na 2x ang virginity?

(josko po, maloloka ako sa "lolah" mo!)

Thursday, November 8, 2007

“Where’s Your Manager?”

I was at Cebu airport when I heard it. Nagko-complain yung babae kasi kanina pa daw sila nakapila (para mag-check in) at biglang sinara ang counter. Aba’y nakakainis talaga di ba? So sumingit sya sa counter namin at dun gumawa ng eksena.

Ganire pala ang nangyari: Sinabi na sa counter na last passenger na yung nasa harap ni (bigyan natin sya ng nickname) Biatch. Wala pa ang pamilya ni Biatch sa pila. Nung pumila sila don, di siguro nasabihan ni last passenger na magkoclose na ang counter at hanggang kanya na lang ang pila (aba, malay natin baket, d ba?). So pila si Biatch hanggang magclose ang counter. Bwahahaha.

Singit si Biatch sa counter namin.

“Kanina pa ako nakapila don e.”

“Mam kasi kelangan na po talaga I-close yung counter at dito na po lahat pinalipat.”

“Pwede ba unahin mo ako? Kanina pa kami e.”

(Gago ‘to. Kung kanina ka pa don eh bat di mo narinig ung announcement -- makikisabat sana ako hehe.)

“Mam baka po pwede pila na lang po ulit kayo kasi kanina pa rin nakapila yung iba.”

(nakalimutan ko na ano pinagsasasabi ni Biatch dito.)

“Kasi po mam nung nag-announce kami, wala pa po kayo don.”

Nakakabingi ang boses ni Biatch… gumagawa talaga ng eksena hehe. Feeling Diva. “Where’s your supervisor?? I want to talk to you supervisor.”

Na sinagot ng kausap nya, “Ako po Mam. Ako po ang supervisor.” Um loko. Eh di lalong nagpanting tenga ni Biatch.

Nakisabat pa ang asawa ni Biatch. “Kung mali naman talaga kayo, dapat I-admit nyo na lang. Hindi yung kung ano-ano pa sinasabi nyo.”

Huwaaaat? Unbelievable. Sino ba ang pumila sa maling counter?

So shempre para walang gulo, pinagbigyan na rin ang pamilya ni Biatch kasi umaabot na yung pila ng counter sa Timbuktu.

(end of kaguluhan)

Sa pinas ko lang nawi-witness eto ha. Customer is king? Bullshit. Know the difference between privilege and rights. And even if you are right this time, always remember that you are dealing with humans. They’re just doing their job. No need to be maldita. We know you have power (or baka nagfi-feeling me power?) but it doesn’t hurt to be kind. Ever heard of the word “humility”?

What is wrong, is wrong. Even if everybody is doing it. What is right, is right. Even if nobody is doing it.

Monday, September 17, 2007

Torn

11 days na lang! Goodbye Hotel Premium.
Malapit naaaa, goodbye Bacons sa umaga.
Pagpasok ng office pa-commute na, goodbye stoplight na mabilis mag-pula.

Looking forward to Mall of Asia days, goodbye Avion/Polus/Aupark.
Sa Jollibee na ako magla-lunch, goodbye Labut at PP.
Sa LKG at jollijeep na ang meryenda, goodbye Billa.

Mangangarap na ulit ako ng beach, goodbye Castles at Towers.
Sa walang kamatayang away ng Syete at Dos, goodbye CNN.
Rakenroll ulit kami ni Bilog, goodbye Ninang Alexandra.

Kasama na lagi si asawa, goodbye bespwen Wiwit.
Makakapanood na ulit ako ng sine, goodbye shopping buddies (batch 5 beauties).
Walang humpay na videoke nights na naman eto! Goodbye piktyur piktyur hobby.

I'm torn. Time flies talaga when you're having fun. Enjoy pa ako dito sa Bratislava pero syempre kelangan na umuwi.


You can't have roots and wings at the same time.

Tuesday, May 22, 2007

First Timer (sa Boracay)

Oo na. Im a late-bloomer. Para sa iba, old news na ang Bora (pardon Koya, we'll use "Bora" to shorten "Boracay" ;) not to pose as Coño.

Paano at Magkano:

1. Via Kalibo ang flight namin. Sariling sikap ang booking kaya transfers from airport to hotels are not included. Pagdating sa Kalibo terminal, me nakontrata na agad 'tong mga kasama ko. 200 each hanggang Caticlan. 7 adults + 2 bata (free) + ferry fee. Pwede na. 1.5 hrs halos ang byahe. Parang Batangas pala ang view. Tulog muna. Zzzz.

2. Sa Caticlan, bayad kami 70 pesos (Environmental ek ek at Terminal Fee) papuntang Boracay.

3. Pagdating sa Boracay terminal, pili ka. Tricycle o Pedicab. 100php ang kontrata sa Trike. 200php sa Pedicab. Yan naman e kung ayaw nyo na maghintay ng kasabay.

Boracay na!!! Anything goes ;) Sky's the langit!

Station 1 : Andaming lumot. Hehehe. Ganyan daw talaga pag summer. Pero Sosy ka kung dito ka. Tahimik at MAHAL. Pero mas Sosy kung sa Diniwid Beach ka (hehe, Nami! Nami! Pangarap ka na lang ba?)

Station 3 : Talipapa daw. Pero preferred ng foreigners. Mas mura ang rooms compared sa Station 1 pero mas tahimik kesa Station 2. Gusto ko dito. Tamang-tama lang ang timpla. ps: di malumot dito nung nagpunta kami.


* Station 1 and Station 3 *

Station 2 : Where the nonstop party is. Parang laging me event dito (kahit wala). Busy station. Dito kami nagpupunta (lalo na sa D*Mall) para kumain at mamili. Wag na muna masyado umasa sa beach. Malumot talaga.



* The two faces of Station 2: sunrise and sunset *

Things to do in Boracay:

* magpakasal o mag ala-Diwata *


* magpahenna, banana boat (180/person), at magpapicture sa sandcastle ng mga kinasal *

ps: Best wishes Gleng & Andreas! Ang ganda at ang saya ng kasal. Wala akong mapost na pic, hihingi na lang ako sa inyo =D

Tuesday, April 17, 2007

Para sa mga nagtatanong kung nasan na ako...

Andito ako sa bansa na kung saan...

1. Lahat ng gusto ko kainin, mahahanap at mabibili ko.
2. May mapupuntahang lugar kahit anong oras ko gustong lumabas.
3. May silbi ang barya.
4. May pirated dvd.
5. Affordable ang magpaprint ng litrato.
6. Mura ang text.
7. Mahirap daw ang mga tao pero me pambili ng gasolina at pambayad ng 8 hours sa carpark.
8. May mga lamok sa tuktok ng nasa harap ko sa simbahan.
9. Beach ang sagot sa lumalalang init. At mas mabenta ang Havaianas kesa sa mga sunblock.
10. Dalawang linggo pa bago ipalabas, puno na ang 730pm slots ng Spiderman 3.
11. Umagang-umaga, nangungulangot ang lalakeng katabi ko sa shuttle.

(dudugtungan)

16. Pinakamasarap na popcorn ay galing sa Holy Kettle Corn at ang pinakamasarap na panulak ay C2! (wow! plugging)

17. May parlor at videoke sa bawat kanto.

Tuesday, February 27, 2007

What's On Your Mind?

1. i am GOLD.

i never enjoy international flights. alam nyo naman ang experienceS ko sa immigration ng NAIA. nakaka-trauma. thank God for the Luli Arroyo issue. so far "bumaet" ng konti ang mga taga-immigration natin.

it helps being a GOLD member of the airline you're flying with. andaming perks. no long lines. airport lounge access (free food, toiletries, internet, tv, and oh! did i mention FOOD?). huy kung long flight ka, maeenjoy mo talaga eto.

2. incoming election.

i laughed when Apols told me that Cesar M, Goma, and PacMan are running on this coming election. amusing talaga pag botohan. tas nagsusulputan na pala ang kumpanya thru advertisements? cool. di ba, nanalo si Mr Palengke dahil makamasa yung commercial nya last election? la lang.

sabagay, wala naman masama kumampaya 'tong mga celebrities na 'to. sino ba naman tayo para husgahan sila na wala silang alam sa pulitika. eh yung mga me alam nga ang binoboto natin, ang tanong: me nangyayari bang maganda? *grins*

3. James, Kris, and Hope.

amusing (syempre kasi spectator lang ako). ok sige, home wrecker si Hope, cheap,
etc. But it takes two to tango. and im pretty sure, to protect Kris and James' image (dahil sa dami ng endorsements nila), papalabasin nila talaga na pathetic 'tong si Hope. At makikisimpatya ang sambayanan ke Kris. Nakakaawa naman talaga e. Pero kasi, me pagka-tanga sya. 5 months pa lang silang mag-on, nagpakasal na. To think na me nabuntis si James non. So far, mejo sablay ang mga lalake ni Kris. Pero ang pinakamatindi, at wag sana makalimutan, na ang puno't dulo nito ay ang pagiging BABAERO ni James. Wag na pagtakpan. Sows.

4. Victoria's Secret.
we have few VS lotions, body mist, and body butter from US. We're selling it for 500php only (it's 599 in local stores). available scents are Pure Seduction, Endless Love, Love Spell, and Sweet Romance. nag-uwi kami ng 26 pcs. so far, kulang kaya mag-uuwi pa si En ng 14 pcs this Thursday. offer's good while supply last =D bili na!

5. - itutuloy -

wala na akong maisip. 256 lang RAM ko. at boarding na ako. Tunisia, here i come (for the nth time).

Thursday, December 28, 2006

THE US Visa Application Experience

Pre-requisite:
1. Magfill-up ng form ->
DS-156
2.
Magbayad ng Application Fee sa BPI
3. Magpa-schedule ng Interview. Tumawag sa
Call Center. Maghanda ng mahigit 1000 pesoses sa fone bill. P53 per minute. Bawal magtelebabad. Tigilan ang pakikipag-fonepal. Wag na makipag-flirt! Mahal eto mga dude!
4. Wag kalimutan ang pinakamamahal na passport.

Sa araw ng interview:
1. Pumunta ng at least one hour bago sa scheduled appointment at ihanda ang sarili sa anumang disappointment.
2. Bumaba sa No Loading/Unloading Zone at pumila sa labas (may nagchecheck ng mga bagay na binanggit ko sa taas).
3. Makinig sa sumisigaw. Wag muna pumila ang mga alas-otso. Lagyan ng 'NA' ang mga blankong sagot sa papel.
4. Pag pinapasok ka na sa compound, pumila sa gate 2 or 3 para sa body scanning. Parang airport. Panahon na para mahiwalay ka sa iyong pinakamamahal na cellfone. Bawal ang mga electronic gadgets! Mag-iwan ng ID.
5. Pumunta sa non-aircon room. Kumuha ng number. Isasubmit mo ang pre-requisites. Sabi nang sulatan ng 'NA' ang mga blanko eh!
6. Me number ka na? Upo na sa bench. Feel at home. Matagal ka dyan. Kung mautak ka, nagdala ka ng kahit anong panandaliang-aliw. Nakakaloka. Mamememorize mo na ang mukha ng katabi mo. Mga 1.5 hours ka dito kafatid. Ang hinihintay mo ay ang FINGER SCANNING! Woohoo.
7. Bago mag finger scanning, tiyakin na tuyo ang hintuturo. Wag na mandiri sa scanner. Feel free, ilapat ang daliri (parang nakahiga sa kama).
8. Wag muna kabahan, pupunta ka na sa aircon room. Maghintay tawagin ang numero. Iinterbyuhin ka na! Mag-CR ka muna. Retouch. Take your time. Matagal ulit yan. Me sumisigaw nang aplikante. Me umaalis ng malungkot, me ngising-ngisi. Naku!! (1.5 hours ka ulit dito)
9. Opps! Ikaw na daw! Syet. Na-blanko ba utak mo? Hinga ng malalim. Saang window ka? SMILE, smile, smile. Teka, me tinatanong na... sagutin mo! "What will you do in US?" Err, can I call a friend? I need a lifeline. Hihi.

Sunday, November 26, 2006

Judging By The Way They Look



Classic example ng "Don't judge the book...". Yung nasa left (Chocolate Almond Crepe) ang pinakamasarap na dessert dito sa Tunis.
ps: me kaagaw ako twing oorder ako nito. Tangkad, kaya di ka pumapayat....

Monday, March 6, 2006

El Nido & Bohol Pics

Panahon na para magsaya, forget muna ang problema =D <- click for pics (para sa mga sumubaybay mula preparation hanggang honeymoon)

ps: sa mga naghahanap ng video, WALA! next time na lang hehe

Monday, July 4, 2005

First Time

There's always something about your first time. First crush, first love, first kiss... err first payslip (anglayo hehe), first travel.

My first time in Slovenia, I was smitten. It was almost winter. I was fascinated about everything. The snow and the handsome driver who picked me up at the airport, the cobblestones, the doves. I could go on and on. I captured everything in picture. And when I displayed it in my office desk, everyone is quite pleased. They thought I'm a good photographer. I said it was the place.

2 years later I travelled back. Alone. Nothing seemed to change. Except my point of view. The country is still beautiful and peaceful. I took pictures again in different angles. This time from a different point of view. I could not elaborate.

Maybe that's why "first times" should belong in the past. Because when you try to revive it, the magic will cease to exist. It should only retain in the memory. And in my case, in the pictures.



Lasang Toothpaste

When in Rome, do what the Romans do. In my case, I'm in Slovenia. Huh? Saan yun? Sana dati pa lang nirecord ko na ang sagot: Dating sakop ng Yugoslavia, kapitbahay ng Italy, Croatia, Austria sa mapa.

After sleeping the whole weekend, my back ached. It's time to see sunshine.

Uso pala ice cream dito. Pag sunday, sarado lahat pwera ice cream stands. Nakipila at pili na rin ako kahit wala akong maintindihan sa flavors. To be safe, tinuro ko yung kulay mocha. Lasang vanilla, choco, kape, at toothpaste na pinaghalo-halo. Mabuti na ring di ko alam yung flavor, at least walang iniexpect ang tastebuds ko kundi ang maging edible 'tong ice cream na 'to.

OK na rin all in all...kundi ko lang nakalimutan na sinisipon pala ako.

By the way, sa slovenia ako unang na-addict sa cake. Kung di nyo pa alam, last xmas season every other day ako bumibili ng 1 whole cake. I owe my addiction to this country.