Showing posts with label HowTo. Show all posts
Showing posts with label HowTo. Show all posts

Friday, October 7, 2011

45 THINGS A GIRL WANT, BUT WON'T ASK FOR

(just got this from facebook, i feel like reposting, sorry corny ba?)

1. Touch her waist.
2. Actually talk to her.
3. Share secrets with her.
4. Give her your jacket. (sweet)
5. Kiss her slowly.
6. Hug her.
7. Hold her.
8. Laugh with her.
9. Invite her somewhere.
10. Hangout with her and your friends together.
11. Smile with her.
12. Take pictures with her.
13. Pull her onto your lap.
14. When she says she loves you more, deny it. Fight back. (agree)
15. When her friends say “I love her more than you”, deny it. Fight back and hug her tight so she can’t get to her friends. It makes her feel loved.
16. Always hug her and say I love you whenever you see her.
17. Kiss her unexpectedly.
18. Hug her from behind around the waist.
19. Tell her she’s beautiful.
20. Tell her the way you feel about her.
21. Open doors for her, walk her to her car - it makes her feel protected, plus it never hurts to act like a gentleman.
22. Tell her she’s your everything - only if you mean it.
23. If it seems like there is something wrong, ask her - if she denies something being wrong, it means SHE DOESN’T WANT TO TALK ABOUT IT - so just hug her.
24. Make her feel loved.
25. Kiss her in front of OTHER girls you know!
26. Don’t lie to her.
27. DON’T cheat on her.
28. Take her ANYWHERE she wants.
29. Text message or call her in the morning and tell her have a good day at school, and how much you miss her.
30. Be there for her whenever she needs you, and even when she doesn’t need you, just be there so she’ll know that she can always count on you.
31. Hold her close when she’s cold so she can hold you too. (ginawin)
32. When you are alone hold her close and kiss her.
33. Kiss her on the cheek; (it will give her the hint that you want to kiss her).
34. While in the movies, put your arm around her and then she will automatically put her head on your shoulder, then lean in and tilt her chin up and kiss her lightly.
35. Don’t ever tell her to leave even jokingly or act like you’re mad. If she’s upset, comfort her.
36. When people diss her, stand up for her.
37. Look deep into her eyes and tell her you love her.
38. Lay down under the stars and put her head on your chest so she can listen to the steady beat of your heart, link your fingers together while you whisper to her as she rests her eyes and listens to you.
39. When walking next to each other grab her hand.
40. When you hug her, hold her in your arms as long as possible.
41. Call or text her at night to wish her sweet dreams.
42. Comfort her when she cries and wipe away her tears.
43. Take her for long walks at night.
44. Always remind her how much you love her.
45. Sit on top of her and tell her how much you love her and then bend down to her face and kiss her while you’re sitting on her.

You’ll never know when she needs just a little more love .. ♥!

ps: upon reading this, i realized that it's really the small, mundane things done to you that really counts at the end of the day. no amount of gift or surprises can top these little things :)

Tuesday, February 1, 2011

This is how I decide if I'll wear HEELS today

paglaki ni Pompy, tuturuan ko rin ng basic workflow chart para mai-apply nya sa mga importanteng bagay tulad ng pagsuot ng HEELS. :))

Monday, January 14, 2008

How to Know if it is Tru Lab

In case of boredom
you : nakakabato naman dito sa bahay...
jowa : ano gusto mo gawin?
* isip... isip *
jowa : gusto mo MOA tayo?
you : magastos eh. laro na lang tayo. pitikan sa tenga. isang pitik mo, beinte sakin... GAME!
jowa : ayawan na lang.

* you pout *
jowa : arghhh! sige na sige na!

In case of fatigue
you : kawawa ka naman. mukang pagod na pagod ka a.
jowa : dami kasi namin ginawa sa opis e.
you : sige, masahe kita.
* jowa positions himself, ready for masahe *
you : Kanina nga pala naglaba ako. kaso nasira yung wasing machine. kinamay ko na lang. nagkasugat-sugat nga kamay ko o! huhuhu...
* jowa looks up *
jowa : sige honey, higa ka na. ako na magluluto. huhugasan ko na rin yung pinggan tas ifu-footscrub kita mamaya.

In case of brownout
jowa : ang init. honey, paypayan mo naman ako please.
you : sabi ko naman kasi sayo bumili na tayo ng generator e. puyat na naman tayo bukas nyan... hay! ang init-init!!!
* jowa takes the fan *
jowa : sige tulog ka na, paypayan na lang kita...

In case of hunger
you : dahil nasa mood ako ngayon, ipagluluto kita!
jowa : wow, sige! gusto ko yung me sabaw
you : tomyang kaya?
jowa : ikaw yata me gusto non e... pero sige. sa wakas matitikman ko na luto ng honey ko.
you : paki-help na lang sa pagprepare nung ingredients ha.
* jowa happily obliged *
you : ah...honey, ano nga pala ulit yung uunahin?
* jowa looks at you, puzzled *
jowa : lagay mo yung kaldero sa lutuan
you : uhmm...
jowa : tabi na nga dyan, ako na magluluto...
* you, happily getting ready for your free hot tomyang soup *


Pag nakahanap ka ng ganito, tru lab na eto mga pre! Bilhan agad ng helmet =D

Wednesday, August 22, 2007

How To Spot A Player

1. Too much too soon.
Kakakilala pa lang, parang poopy agad na sunod ng sunod sayo. Parang adik na can’t get enough of you? Aba’y, touched ka naman. Haba ng hair mo ha. Ingat-ingat. Psychotic lang gumagawa nyan.

2. Kulit to the max.
Parang naaadik nga sya sayo di ba? Text ng text. Kakasabi mo pa lang kung asan ka, hahagilapin ka na naman. Ano baaaa… daig pa ang Intelligence sa pagtrace sayo. Kulang na lang gamitan ka ng GPS.

3. KSP.
Pag di ka nagparamdam, mega-tampo. Aba? Responsibilidad mo na sya agad?? Last week naman humihinga sya kahit di ka pa nya nakikilala a. Napaka-uncool ha.

4. Atat.
Gusto agad malaman if “the feeling is mutual”. Dehins makapag-intay. After magpaka-poopy ng 1 week, gusto agad may result.

5. Bigay-bawi.
O sige, mukhang tinamaan ka rin naman sa kanya. So why make pakipot? You start to reciprocate. You initiate communication na rin. "Hi.Gudam!Me hir s Glrta.Nood movie wid frnds.Mis kta 2day.Kopi l8r?" Kaso… all of a sudden, it takes 6 hrs before he reply. Tas 1 liner pa, tipong “Hi din, have a nice day!”. Syeters. Gabi na no! Kanina pa yung text mo.

6. Demanding.
Ok, so me “date” kayo ngayon. Nagugulat ka kasi parang nagmamadali? Me itinerary na agad kayo. Eto lang gagawin nyo. Di na pwede ma-extend kasi me appointment later. Watisdisssss??

7. Never walks the talk.
Parang he’s into you naman e. Kaso… di sya gano interested sa “real” you. Pag ininvite mo sa mga lakad nyo ng tropa, me excuse lagi sya. Sasama lang sya once or twice (para naman masabi na pinagbigyan ka). Pero uncomfortable sya. Kasi naman, wala naman sya balak magtagal sa buhay mo. Cameo appearance lang sya, bat pa nya kelangan kilalanin buong baranggay nyo?

8. Distracted.
Ano ba yan, laging may katext! Tas wala lang daw yun. Pero nag-iiba timpla ng mukha nya. Something’s fishy... hmm. (refer to item #6)

9. Close-open.
Close na kayo (feeling mo). Pero di sya gaano nag oopen-up ng personal info. Puro mga irrelevant details lang ang nahuhuthot mo. Trivial things that doesn’t matter. Ayaw nya mag-open up sayo. Baket, guidance counselor ka ba?

10. Am I that easy to forget?
Hay naku, give up ka na. Parang after nya magpanggap na patay na patay sayo.. ikaw na ngayon ang laging gumagawa ng way. Ma-pride ka syempre. You’ll call it quits. Di ka na rin magpaparamdam. Kaso lang, hurt ka lalo kasi… he seem not to miss your inexistence sa life nya.

Ganon lang yun? Yessss. Opo kapatid. Manalig ka. Call him names na lang (Hayuf yung Chakang yun! etc) Di mo naman sya hinanap, basta na lang dumating sa buhay mo tas sasaktan ka lang? (pwede na ba Direk?). Ganon talaga dude. Me ibang tao, dumadaan lang sa buhay mo. Pag tapos na eksena nyo, he'll move into another conquest. Wat to do? This is tragic! Gawa ka na lang ng list: how to spot a player. Post mo sa blog mo. Malay mo, mabasa nya. Matawa sya (tanga yun e, di nya maiisip na sya yung topic kasi di naman nya tatanggapin na “player” sya). O kaya, me maaliw sa post mo. May magcontribute ano-ano pa style ng mga player… *grins*

Friday, February 16, 2007

How To Spot A Valentine-less Person (a post-vday observation)

Pasensya na kung late na itong artik na eto. Dami-daming cheche bureche kahapon ano? Sige nga, countdown tayo. Sino'ng masaya? (taas-kamay). Sino hindi masaya? (luhod sa asin). Bato-bato sa langit... Sana hindi kayo tamaan dito:

1. "Valentines....soooo? Yuck!"
~ sa totoo lang, spoiler ka. Bat di ka na lang makisakay? Di ka naman mamamatay kung pagbibigyan mong mag-celebrate yung iba ngayong araw ng mga puso. Naabala ka ba? Naperwisyo? Sumakit ang mata mo sa mga bagay na kulay pula? Dyosme. Sana nag sick leave ka na lang. Tutal sick ka naman talaga. Sick mentally.

2. "Announcement!!! Vday ngayon, puno na naman ang mga... (sabay ngisi)"
~ for petrang kabayo's sake dude. cliche na yan. lahat ng tao na lagpas sa labing tatlong taong gulang, alam na yan. Big deal ba sayo? Mag-checkin ka rin. SOLO. Hehe.

3. "Scorer ako!"
~ utang na loob. hindi ka nga bitter. manyakis ka naman. bili ka nung mannequin. uso na ngayon. at score-an mo ang sarili mo =D

4. "Bukas pre, dadami ang scandal."
~ ang tanging scandal na hindi pa nabubunyag ay transvestite ka. (opps, sorry i got carried away). Mentally deranged talaga. Biruin mo, ini-equate ang v-day sa sexday??

5. "Kaya ayoko ng valentines day e. Nagmamahal ang mga bulaklak."
~ sana January pa lang nung last year, nagpareserve ka na. BARAAAAT!

6. "Everyday is a valentine's day for me."
~ utot! walang originality. ginaya mo pa yung "everyday should be a christmas day". ang sabihin mo, wala kang pang-date. o mas malala, wala kang ka-date. watta loser =))

7. "Sa dami nila, hindi ko alam sino ilalabas ko."
~ Huyyyy mahiya ka nga. Kasing-kapal ka ng snow ngayon sa New York.

8. "Wala eh. Wala akong ka-date."
~ ayan...at least honest. pero not too much na parang nagmamakaawa ka na sana me magyaya sayo. Di bale tsong, "pana-panahon ang pagkakataon". next year, malay mo....

9. "I'm single and I'm happy."
~ hehe, wala tayong magagawa dyan. sabi mo e. pero meron sa kalendaryo na specific day para sa mga couple. sa single, wala. WAWA =P (ok, that comment was from my alter-ego who happened to be a certified biatch).
Bitin 'no? Walang pang-10. 'La na ako maisip e. Huy matagal-tagal din naman ako dati na walang ka-valentines. Pero hindi ako bitter non. Nyuknyuk. Pramis. Unsolicited advice lang: next year para di masabihang bitter, keep a smiling face. Not only will u (might) win a friend. Hindi ka na rin kakaawaan. hehehe. Ang bad mo!

ps: Bading ba talaga si PIOLO?? Check this out.

Thursday, December 28, 2006

THE US Visa Application Experience

Pre-requisite:
1. Magfill-up ng form ->
DS-156
2.
Magbayad ng Application Fee sa BPI
3. Magpa-schedule ng Interview. Tumawag sa
Call Center. Maghanda ng mahigit 1000 pesoses sa fone bill. P53 per minute. Bawal magtelebabad. Tigilan ang pakikipag-fonepal. Wag na makipag-flirt! Mahal eto mga dude!
4. Wag kalimutan ang pinakamamahal na passport.

Sa araw ng interview:
1. Pumunta ng at least one hour bago sa scheduled appointment at ihanda ang sarili sa anumang disappointment.
2. Bumaba sa No Loading/Unloading Zone at pumila sa labas (may nagchecheck ng mga bagay na binanggit ko sa taas).
3. Makinig sa sumisigaw. Wag muna pumila ang mga alas-otso. Lagyan ng 'NA' ang mga blankong sagot sa papel.
4. Pag pinapasok ka na sa compound, pumila sa gate 2 or 3 para sa body scanning. Parang airport. Panahon na para mahiwalay ka sa iyong pinakamamahal na cellfone. Bawal ang mga electronic gadgets! Mag-iwan ng ID.
5. Pumunta sa non-aircon room. Kumuha ng number. Isasubmit mo ang pre-requisites. Sabi nang sulatan ng 'NA' ang mga blanko eh!
6. Me number ka na? Upo na sa bench. Feel at home. Matagal ka dyan. Kung mautak ka, nagdala ka ng kahit anong panandaliang-aliw. Nakakaloka. Mamememorize mo na ang mukha ng katabi mo. Mga 1.5 hours ka dito kafatid. Ang hinihintay mo ay ang FINGER SCANNING! Woohoo.
7. Bago mag finger scanning, tiyakin na tuyo ang hintuturo. Wag na mandiri sa scanner. Feel free, ilapat ang daliri (parang nakahiga sa kama).
8. Wag muna kabahan, pupunta ka na sa aircon room. Maghintay tawagin ang numero. Iinterbyuhin ka na! Mag-CR ka muna. Retouch. Take your time. Matagal ulit yan. Me sumisigaw nang aplikante. Me umaalis ng malungkot, me ngising-ngisi. Naku!! (1.5 hours ka ulit dito)
9. Opps! Ikaw na daw! Syet. Na-blanko ba utak mo? Hinga ng malalim. Saang window ka? SMILE, smile, smile. Teka, me tinatanong na... sagutin mo! "What will you do in US?" Err, can I call a friend? I need a lifeline. Hihi.

Monday, October 9, 2006

The Makings of An Idol

Cold Feet.

May mga taong pinanganak para magperform. May mga taong bihasa na magperform. May mga taong gustong-gusto magperform. May mga taong pinipilit lang magperform. At may mga taong mas mabuti pang wag na magperform.

Bakit pumipikit?

Kunwari nasa banyo ka lang, ginaganahan maligo kaya napapakanta. Para di na makita yung reaction ng mga taong nanonood/nakikinig. Kunwari natutuwa sila. Kunwari wala sila. Kunwari lang ok ka pa.

Pagpiyok/pagkawala sa tono.

Kadalasang kinatatakutan. Kadalasang resulta pag kinakabahan. Pag mahina-hina ang puso mo, mas gugustuhin mo pang himatayin sa harapan. O kaya bumuka ang lupa at lamunin ka na lang. Cool ka lang. Wala yan. Pag may nagreklamo, show them the finger (pakyu ka, ikaw kaya ang kumanta?) hehehe.

Auto-Pilot.

Eto yung 5-minute state na hindi mo na alam kung anong pinaggagagawa mo. Kumbaga, kung ano yung naiprogram sayo habang nagpapraktis ka sa banyo, yun na lang yung pagkakatiwalaan mo. Di mo na maiisip kung nasa tyempo ka pa ba, nasa tono ka ba. Gumagana pa ba yung minus-one? Me kasama ka pa ba sa stage? Bahala na. Manunumbalik lang sa normal ang lahat paglabas mo ng kwarto at napagtawanan (este nacongratulate) ka na ng karamihan.

Time frame.

Hanggang december pa kami ganito. Siguro naman by that time, manhid na kami sa kaba (at mga posibleng pagtatawa ng mga nanonood). Good luck sa ating lahat. For fun lang daw *sabay ngisay*

Tuesday, August 22, 2006

How To Enjoy Riding in an FX / Shuttle

1. umupo sa gitna at solohin ang aircon.
2. umupo sa dulo at paisa-isang iabot ang bayad.
3. kumain ng maamoy na pagkain sa loob lalo na kung mahina ang aircon.
4. kumain sa loob at iwanan ang pinagkainan sa loob ng sasakyan.
5. magpabango ng marami at siguraduhing nakakatutok sayo ang aircon. Mainam na gawin ito kung nasa gitnang row ka nakaupo para mai-sprayan din ang mga nasa likod.
6. makipagusap sa cell. lakasan ang boses para marinig ng mga nasa dulo.
7. matulog ng mahimbing. gamiting sandalan ang balikat ng mga katabi.
8. pumara ng mahina. hayaang mainis ang mga katabi at sila ang sumigaw para sa'yo.
9. kapag umuulan, ipagpag ang basang payong sa katabi.
10. maggupit ng kuko. bagalan. tiyakin na tumatalsik sa katabi ang mga nagupit na kuko.

pahabol na gawain ayon kay Jam:
11. umutot ng malakas.
12. umutot ng may amoy.

Friday, July 21, 2006

10 Things To Do After Matinding Breakup

Malapit na kayong mag-9th monthsary ng boypren mong pogito ng bigla na lang... hindi na sya nagpaparamdam. Mega-worry ka, baka nashoot sa imburnal. Baka kinidnap. Baka napagtripan ng mga adik sa kanto.

After 100 texts at 101 missed calls, nag-hello sa kabilang linya "HELLO!!? Babe? mahina signal dito, nasa bundok ako. Babe I think we need some time apart. Di na kita mahal, magpapari na lang ako."

Ang walanghiya!!! Magpapari sa bundok! Nanlalaki ang butas ng ilong mo, ganito pala ang feeling ng mabasted ested ma-dump. "Humanda sya!" sa loob-loob mo. Pero sa totoo lang, di mo alam ang gagawin mo. First time ito!

10. Let it flow.
~ Umiyak ng umiyak. Ngumawa ka na buong araw/gabi. Ngayon ka me karapatang maging drama queen dahil sawi ka sa pag-ibig. Si Bea Alonzo nga umiiyak kahit kuko lang ang masakit e, ikaw pa kaya?

09. Girlfriends Volt In!
~ Sa mga ganitong pagkakataon, sino pa ba ang masarap ngawaan kundi ang closest friends. O kaya ang sister o mudra mo na handa kang damayan sa ganitong pagkakataon. Kaya sige na, wag na mahiya. What are friends for? Mag-emergency meeting na, dali!

08. Nevermind the 1 Million Dollar Question.
~Tama na ang mga tanong na walang sagot. Di ka naman si Manang Bola at wala kang Perlas na Bilog. Kung ayaw nya magpaliwanag, eh di wag! Ikaw na nga ang iniwan, ikaw pa ang sasagot ng mahiwagang tanong?

07. Bitter-bitteran.
~ O sige na, hindi sya masaya sayo. Di ka kasi ganto. Kulang ka sa ganto. Oweno ngayon? Di din naman sya perfect. Ang lakas nga nya umutot di ba? Tapos medyo baduy pumorma. Nakafit na jeans at rubbershoes?! Eww.

06. No money, no honey.
~ Wala na si honey pero it doesn't mean you have to go broke. Ayaw mo na magkulong sa kwarto kasi it's still a mess (mula sa pagbabasag mo ng picture frames at pagpupunit mo ng mga loveletters at pictures nyo). Window-shopping? Delikado yan. Unless iiwanan mo credit card mo sa haybol and 100 pesos lang ang dadalhin mo sa Kamiseta Sale.

05. Clean the Clutter.
~ Itago/Itapon ang mga bagay na magpapaalala sa kanya. Cell number? Delete. Emails? Archive. Stuffed Toys? idonate sa "Ma-AGA ang Pasko sa Jollibee". Dried Petals ng first flowers na binigay nya? Yaaak! Pictures? Trash bin. 24K Necklace, uy mahal yan. Wag mo na ibalik. Tutal binigay na sayo eh hehe.

04. Sige na, Indulge.
~ Pagod ka na kakaligpit ng mga kinalat mo. At wala ka ng mailuha. Parang ang sarap ng coffee crumble na ice cream. Tapos me Honey cake sa ref. Wow! bakit ka nagpipigil? Ang sarap-sarap e. Watya waiting for? (mamaya magsit-ups ha, 30 reps. Tapos medyo losyang ka sa suot mong jammies at loose shirt, palitan yan ng sexy top with low-waist jeans mamaya sa gimik ok? It's time to shine again!)

03. Don't forget me.
~ Did you know that the best poems are written when you're brokenhearted? OO, kala mo lang hindi ka writer. Isulat mo lang ng isulat lahat ng naiisip mo at this time. Malay natin, manalo yan ng Palanca Award. Kung hindi naman, magagamit mo yung mga sinulat mo para pagtawanan natin later on.

02. It's not you, it's ME.
~ Andami na nangyari eversince he called ano? Kamusta na kaya ang hunghang? Buti na lang di ka suicidal. At swerte nya hindi ka clingy, stalker-type ex-girlfriend. You recovered gracefully. Mental check, A-Ok. Kayang-kaya di ba? Welcome back girlfriend, you're a survivor!

01. "Hello, gorgeous!"
~ Hi yourself. Practice this line: "Girls with butts like mine, do not talk to boys with faces like yours" hehehe. Joke lang. You're back in the game. This time, you're a little bit wiser ;-)

ps: May male version na! Click this.

Wednesday, July 5, 2006

Usapang Panty

Matagal ko ng gusto isulat 'to. Ang inspiration? Yung mga kapwa ko babae na bumamaba ng shuttle na walang pakialam kesehodang makita ng lahat kung ano ang panty nya. Wala namang masama sa panty di ba? Walang pakialamanan? Pwes meron! It's about time na pagusapan natin 'to dahil nakakahiya na. Nakakahiyang makita namin ang mala-LOLA or mala-BACON nyong undies. At kung makapal na talaga ang mukha nyo, pwes maglesson 101 tayo kung ano na ang mga usong panty ngayon.

1. hipster lowrise
~ dahil uso na ang mga low-waist at hipster pants (ang sagwa naman na mas mataas pa yung panty kesa sa pants d ba?)
when to use: for casual wear

2. boy short
~ ideal din for hipster pants
~ pwedeng gamitin under slacks para kung di maiwasan mag VPL (visible panty lines), di naman gaanong nakakahiya.
~ great sleepwear option (i agree)
when to use: best for summer skirts & dress

3. V-back
~ ang hirap i-explain. but when you sit down, you're assured that your panty is still unseen so you don't need to pull the back of your shirt to cover it.
when to use: when you're uncomfortable wearing that lowrise jeans or you would be sitting in front of your crush or your boyfriend's parents hehe

3. brief
~ o sige na, para sa mga manang. pero utang na loob, kung mahilig kayo dito, please check kung mas mataas pa yung undies nyo kesa sa pants nyo. Check nyo rin kung uupo kayo, nasisilip ba yung likod... and kung bacon na, please, wag nang matigas ang ulo. ITAPON na!
~ may mga brief style with lace. parang mas advisable to. at least makita man, sexy pa rin d ba?
when to use: ewan ko, maybe in one of those im-not-in-the-mood-today days.

4. seamless
~ for subtle look, almost invisible under clothes
when to use: light-colored skirts & slacks

5. g-string, t-back, thong
~ sometimes i get the feeling that women wear this to intentionally be seen especially when wearing jeans. At least nga naman di nakakahiya like briefs.
when NOT to use: Given na it's the sexiest type of panty, it shouldn't be worn when you don't enjoy attention and you're not ready for some 'unnecessary comments' especially from male populace.
when to use: all the time! it's barely there anyway hehe


Not convinced? read Maikling Kwento ng Isang Panty (written by a guy named CHINITO for PEYUPS.com. Mike, sorry di ako nakapagpaalam. Wala ka sa YM e. Thanks hehe.)

Thursday, December 8, 2005

Ututang-dila

Sa hapagkainan, naipon ang mga katanungang nagiging palaisipan:

~ ano ang pipiliin mo? pangit na mayaman o gwapo/magandang mahirap?
(kung mayaman, pano daw kung me HIV? kung mahirap, pano daw kung batugan?)

~ pano kung manligaw/magkagusto sa'yo ang ex ng kaibigan mo?

~ may plano ka bang gumawa ng last will testament?

~ ano ang dream car mo?

~ anong masasabi mo sa PMS?

~ anong masasabi mo sa live-in set-up?

~ nagsisimba ka ba? bakit?

~ pag lalake ang umiyak, anong iisipin mo?

~ pa'no mo masasabi na "player" ang isang tao?

Friday, September 9, 2005

Bakit Masaya Na May Katabing Bintana

alam mo kung gabi na.
alam mo kung may nagtitinda na ng mais.
alam mo kung may nanghuhuli ng squidballs.
alam mo kung umuulan.
alam mo kung malakas ang ulan.
alam mo kung may nagrarally at makakapanood ka muna.
alam mo kung traffic.
alam mo kung marami nang shuttle.
alam mo pag may dadaan/dumadaang celebrity dahil madaming confetti na nahuhulog.
alam mo kung wala nang araw at dapat ka na umuwi.
maipapahinga mo ang monitor-strained beautiful eyes mo.
may iba kang tititigan pag niiyak ka na.
may libreng malaking salamin pag nagpupulbo ka.
hindi masyadong malamig sa pwesto dahil inaabot ka ng sikat ng araw.
nakikita mo yung mga nagbanggan.
pwede mo sabihin sa mga kaibigan na tumayo sa kabilang kalye, wag na kayo magtext, makikita ko na kayo.

Thursday, August 25, 2005

Sintomas ng Masokistang Trabahador

1. You never run out of things to do. And you welcome them with open arms >:D<>
2. Kapag wala ka namang ginagawa, napapaisip ka ng reason for existence mo sa mundong ibabaw.
3. Above the limit na ang size ng mailbox mo at di ka nababahala dahil nakakapagsend ka pa naman ng outgoing mails.
4. Normal na saýong umuuwi ng gabi/madaling araw/pasikat na ang araw. Ang naaabutan mong palabas sa TV ay yung kay Kuya Germs.
5. Di ka na daw nakikita ng mga kasambahay mo. Minsang umuwi ka ng madaling araw, napagkamalan kang akyat-bahay ng nanay mo.
6. Di ka na nagpapatay ng PC (uuwi ka lang naman para maghilamos).
7. Di mo napapansin na madalas kang "nalalaglag" ka sa YM. Di na halata dahil naka-invisible ka lagi upon log in.
8. Naiipon sa desk mo ang mga balat ng kendi at kung ano pang kalat na di mo agad ma-shoot sa katabi mong basurahan.
9. May nagtatanong saýo kung dumaan ba sa area nyo si ano at ang unang masasabi mo ay "Me kaopismate ba tayong ano? Kelan pa?"
10. Tumatayo ka lang para mag-CR.
11. Di mo matandaan kung kelan at saan ka huling kumain.
12. Tinatawagan ka sa telepono ng katabi mo para lang makuha ang atensyon mo.
13. Nalulungkot ka pag nag-declare ng Holiday dahil wala kang kasabay kumain.
14. Payday na ba? Kakasweldo lang a? (At magva-violent reaction lahat ng katabi mo)
15. Nagigising ka sa weekends na ang unang akala mo ay weekday pa at late ka na.
16. Nagvivideoke/disco/gimik ang tropa mo at naiwan kang kumakausap sa PC mo. (ex: "Ano bang problema mo? Bat di ka pa rin gumagana?! Gumana ka na pls...tatadjakan na kta!!")
17. At ang peborit ko: Close ka na with the nightshift guard at hinihingan ka nya ng latest mp3 at lyrics.


contributed by alec?
18. Meron kang iniiwasang tao, o patatas, na utos ng utos sa'yo (more truthful term for "request"). Tinitingnan mo sya at naiinis ka kasi parang hindi sya isang masokistang trabahador. (ikasa mo 'tol! hehe --potpot)



Thursday, July 14, 2005

Crushes For the Dummies

Today, I write about the hardest things on the early stage of L. Crush on these scenarios:

1. He/She is not aware of your existence.
~ Ikaw ay nagpapaganda/nagpapapogi araw-araw para sa 20 seconds nyong pagsasalubong. Pagkatapos non....wala na. Kinabukasan na ulit. Haaaay.

2. He/She knows you, but maintains the distance.
~ Ouch, what's wrong with the world momma? Este what's wrong with you? This is the 1 million dollar question in your head that you're not allowed to ask to anyone except your subconscious.

3. He/She is conversing with you.
~ I know, I know you'd think it's good! But nooooo. You forgot that we're on the crush stage. Therefore, it's expected that you're either too dumb to speak intelligently or too "high" to behave like a normal homosapien.

4. He/She is a friend.
~ Aww. Bitter-sweet. Most of us can't take it. Because the stakes are too high. The nerve-wrecking question is: Is telling the truth worth losing the friendship?

5. He/She is liked by half of the other gender's populace.
~ Getting good attention is hard. Maintaining the attention is harder.

6. The "half of the other gender's populace" is composed of your friends.
~ One good example why birds of the same feather flock together.

7. He/She asked you to find him/her a date.
~ Often happens when the two of you are buddies. People in this situation have different ways of handling it. In my case, I oblige blindfolded.

8. He/She finally told you who he/she likes.
~ As the song precisely said "Sana di mo na lang sinabi, hindi ko naman tinatanong".

9. He/She sends mixed signals.
~ Uso na ang card reader, pero hanggang ngayon, wala pa ring nabibiling portable mind reader.

10. Surprisingly, it's you.
~ Crap. Why, why, why? Now unless your admiration for the person has transformed, you will suddenly find yourself losing interest...time to say "Next please!"

Wednesday, March 30, 2005

Artik: 10 ways to get the attention of your CRUSH

10. Muster your courage and ask for his name.
You: Hi, team mate tayo sa blah blah blah di ba? ikaw si...?
Crush: uhm...Fabio.

9. Whenever you see him, consciously call him by other name.
You: Brando! Dito ka rin pala sa basement nagla-lunch?

8. Stare at him and when he notice you, say something.
You: Anong tinitingin-tingin mo dyan?!

7. Check if you have something in common.
Crush: I like to watch movies
You: Ay ako rin! (with matching pungay of the eyes)
Crush: Lalo na yung classics...
You: Ay pareho talaga tayo! 1pm sa Channel 9 di ba? Sampaguita Pictures rockkk! Yo yo yo!!!

6. Look him up and add him on Friendster. Write a catchy introductory note.
You: Huy Celso, andito ka rin pala. So nice of you to drop by. Friendster na tayo ha!

5. Be thoughtful.
You: Punta ka ng CR Gardo? Eto tissue o. 3-Ply yan.

4. Give him the impression that you're a homey girl.
You: Shempre naman i know how to cook. My specialty is Sinigang with Tocino.

3. Drop a hint that you're available.
You: Huy alam mo me ticket ako for two sa concert ni Sandara. Kaso wala akong kasama e. Samahan mo ko. Papakainin kita after concert.

2. Show him that you care.
You: Absent si Wildo =( me Diarrhea *sigh* magpadala naman tayo ng flowers opismates.

1. Create a blog. Write something about your crush.
You: Dear blog, this is a wonderful day. Baldo is surely reading this...